CHAPTER 40 ~ Ava's Mistake ~

126K 2K 80
                                    

CHAPTER 40

 

 

ALTHEA'S POV

Oh, damn. Pang-apat na baliw na tong si AvaLukaLuka. Ako naman ang susunod na mababaliw kung may isa pa akong baliw na ma e-encounter.

Katapusan na ata talaga ng mundo. Kalahati na ng population sa mundo mga baliw na ata. At hindi ako kabilang sa kanila itanong niyo pa kay Craige.

Binaba niya yung bintana ng kotse niya. May ngiti sa labi. niya..a creepy one. But hello? This is Ava we're talking about. Baliw yan from head to toe.

Napatingin ako dun sa itinaas niya.

"Oh fuck."

Tinapakan ko yung brake para huminto ako. Lumingon-lingon ako para tignan na walang kotse na tinamaan or tao ng magpaputok siya.

Ginitgit ko siya.

Damn this woman.

Binuksan ko yung bintana. Napangiti ako ng makita kong nahulog yung baril niya sa passenger seat at hindi niya makuha dahil nagmamaneho siya.

"Oy baliw! Dumiretso ka na sa mental may malapit lang dito. Ihahatid pa kita."-me

"You're going to hell!"

"Ikaw muna. Dadaanan kita don kapag matanda na ako."

Binangga ko ulit siya. Narinig kong napasigaw siya at hindi ko maiwasan na hindi mapangiwi. Ang pangit ng sigaw niya..walang poise. Para siyang kinakatay na butiki.

Napatingin ako sa phone ko na nasa phone cradle. May tumatawag..tinignan ko yon at napakamot ako sa batok ko. Si Boss, Sir, Among tunay.

Sasagutin ko ba o hindi?

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon