CHAPTER 14 ~ Aff Aff ~

145K 2.6K 186
                                    

CHAPTER 14

ALTHEA'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko na wala na sa tabi ko si Aff. Kayakap ko kasi siya kagabi eh. Nagpalingon-lingon ako pero hindi ko siya makita.

Tumingin ako sa clock sa bedside table ko. Ilang oras pa bago kami pumasok ni Craige. Ang sarap ng tulog ko kagabi..peaceful. Saka tahimik lang si Aff kaya hindi ako naiistorbo.

Naghihikab na tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Dumapa ako sa carpet at sinilip ko si Aff kung nasa ilalim ba siya...wala. Pati sa kusina pumunta ako.

Nasan na ba yung si Aff?

Baka nakalabas na yon at ninakaw at ginawang barbie-q. Why o why? My poor little aff. Hindi pa nga siya nagtatagal sakin ginawa na siya kaagad na hotdog.

Lumuhod ako sa sahid at nag pagapang-gapang ako..ginulo ko pa yung buhok ko na tatalunin ang gulo ng buhok ni Sisa. Wapak ang look ko I'm sure.

"O Aff, O aff? Nasan ka na aff?"

Parang kulang. Diba dalawa ang hinahanap ni Sisa? Si Cripin at si Basilio? Nag-isip ako saglit bago ko pinagpatuloy ang paghahanap ko.

"O Aff, O Craige, nasan na kayo mga...anak?"

Nakasimangot na tumayo ako. Hindi pa naman siguro nakakaalis si Aff baka gumala lang kasi na bored. O kaya siguro nangangapit-bahay lang.

Naglakad na lang ako papunta sa kusina at kumuha ng juice bago ko ipinagpatuloy ang paghahanap kay Aff. Napadaan ako ng wala sa oras sa terrace.

O.O

hindi kaya suicidal si Aff at tumalon siya sa terrace? Pero impossible kasi may mga harang yon kaya hindi siya makakatalon..wala namang butas yon. pero baka nag ala-superman siya.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon