CHAPTER 19 ~ OMHAYGOLAY! ~

150K 2.3K 84
                                    

CHAPTER 19

ALTHEA'S POV

Maghapon ata kaming nagtagisan ng lakas ni Craige..ayoko ng akasi siyang pakilusin dahil baka kung ano pang mangyari sa mga sugat niya.

Masyado siyang maharot..wala na ata siyang ginawa maghapon kundi subukan akong akitin. Of course unti-unti akong naakit kaya nga ganito ang ayos ko ngayon..para maligtas ako sa alindog ni Craige.

"Strip that clothes off."-craige

"Ayaw."

Kasalukuyan akong nakasuot ng mahabang damit na hanggang sahig talaga na bulaklakin pa though saktong sakto lang siya sa katawan ko kaya kita yung curves ko.

But at least mahaba siya. May sleeve pa yon.

Para akong si Miss Tapia.

Pinagpatuloy ko yung ginagawa kong paglalaro ng Spyro sa PSP na hawak ko. Nakasandal si Craige sa headboard ng kamay dahil tumawag si Tita Sage na papunta na siya.

At dahil ayaw niyang mahuli siya na nagpapasaway kaya umayos na siya sa dapat talagang pwesto niya. Muntik ko ng ihagis yung hawak ko ng natalo na naman ako.

Anak naman ng lumpiang toge tong larong to. Kung bakit naman kasi hindi ako manalo-nalo..laging namamatay. Ang sarap gawing inihaw na dragon ni Spyro eh.

"Akina..ako ang maglalaro."-craige

"Gusto mo lang lumapit ako sayo eh."

"partly...now ducky, come here."

Sinimangutan ko siya at nagdadabog na tumayo ako..lumapit ako sa kaniya at humiga ako sa gilid ng kama. Sa ayaw kong upo eh..gusto ko higa.

Hinila ako ni Craige para nakaunan ako sa braso niya at kinuha niya sakin yung PSP. Tinignan ko muna na hindi siya mahihirapan bago ko siya pinabayaang maglaro.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon