CHAPTER 5 ~ Humor ~

157K 2.5K 92
                                    

CHAPTER 5

ALTHEA'S POV

Kasalukuyan akong nasa 'Craige' habang umiinom ako ng kape. Alas dose na ng madaling araw pero nandito parin ako. Wala ng tao masyado at puro agents na lang. Kumuha kasi kami ng mga mission kanina. Nakuha ko na yung sakin at kaya nga ako nandito para hindi ako makatulog habang binabasa ko yung report.

For the past three years. May unusual na nangyayari sa pamilya ng magkakaibigan na, Young, Hayes, Harris, Torres, at Parker. Lahat sila may pamilya na. Sila Torres..nagkaron ng anak pero namatay..pati na ang asawa niya. Yung iba naman namatay din ang mga anak na lalaki..pero buhay ang mga babae.

Si Parker, namatay din ang asawa niya dahil sa depresyon na nangyari. Though yung iba nabuhay ang mga asawa hindi maiaalis na nakakapagtakang puro lalaki lang ang pinapatay. Sila Anthony Hayes at ang asawa niya na si Martha...meron siyang panganay na anak na lalaki na namatay..na nasundan ng babae..at pagkaraan ng ilang taon nagkaroon sila ng anak na lalaki ulit. Pero namatay din.

Siguradong may taong galit sa kanila. After all nakalagay sa record na may mga bagay na hindi sila ginawa dati. Nagkaron sila ng mga illegal na gawin na itinigil nila ng magkapamilya sila.

Kaya hindi imposible na baka nga may mga taong galit sa kanila.

Ang tanong lang..bakit puro anak na mga lalaki lang?

"Hoy!"

"Ay, anak ng palakang kinain ng butiki!"-me

Pinukol ko ng matalim na tingin yung taong nanggulat sakin. I rolled my eyes ng makita kong si Yale lang pala yon. Umupo siya sa harap ko at nagbaba ng cake.

Naibaba ko ng wala sa oras yung folder ng makitako yung katakam-takam na cake. Kumuha ako ng tinidor at parang witch na humagikhik ako.

"Kailan pa kumakain ang butiki ng palaka?"-yale

Tinignan ko siya at nginuya ko muna yung katakam-takam na cake na basta ko na lang kinain. Uminom ako ng kape at nilunok ko muna laaht ng nasa bibig ko.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon