CHAPTER 8 ~ Mug ~

168K 2.5K 84
                                    

CHAPTER 8

ALTHEA'S POV

Napapangiti ako habang inaayusan ko yung sarili ko. Dito kami nag stay sa isang condominuim malapit sa company ni Parker. Kahapon habang nagta-trabaho kami napagalitan pa ako ni Craige sa harap ni Sir Mateo slash Tom Cruise look alike. Masyado daw maikli ang damit ko. Ang buhok ko daw hindi pang opisina.

Natatawa na lang samin si Sir Tom Cruise..para daw kaming laging nag lo-lovers quarrel. Ngumiti lang ako that time pero parang gusto ko ng kalbuhin si Craige.

Kaya ngayon mas muka pa akong boss kesa sa assistant. Pero type ko yung damit ko ngayon infairness. Mababa parin yung neckline. Pero tinali ko yung buhok ko.

Para sexy.

At para gumanda ang araw ko kapag nagalit na naman si Boss, Sir, Among tunay.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina. Napaangat ang kilay ko ng makita kong nakaformal suit si Craige. Kung sabagay..parang normal na kay Craige na ganiyan ang suot.

Tumingin siya sakin at pasimpleng napangiti ako ng tulala siyang nakatingin sakin. Umupo ako sa harapan niya at kumain na ako ng tinapay at hot dog.

Inabot ko yung tasa ng kape niya at uminom ako. Napakurap siya sa ginawa ko at pinaseryoso niya yung ekspresyon niya. Tumikhim siya.

"Okay na ba ang outfit ko Boss, Sir, Among tunay na expert pagdating sa fashion?"-me

"Okay na."

"Talaga?"

Hindi siya sumagot at uminom na lang siya ulit ng kape. Natapik ko ng wala sa oras yung lamesa at tumakbo ako papunta sa kwarto ko. May kinuha ako don na binili ko kagabi ng bumili ako ng facial wash ko.

Bumalik ako sa kusina at inabot ko yon kay Craige. Nagtatakang kinuha niya yung box at binuksan. Lumipad pabalik sakin yung tingin niya...

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon