CHAPTER 45 ~ Later ~

147K 2K 34
                                    

A/N: Ako'y maghahanda na para sa Field Trip.....byeiii!

CHAPTER 45

ALTHEA'S POV

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Imbis na dumilat ay lalo akong sumiksik sa gitna ng mga braso na nakayakap sakin.

"Kailangan na nating pumasok sa loob Thea, mas maayos kang makakatulog don."

Umiling ako. I heard him chuckled. Nandito kasi kami sa Terrace ng bahay ni Craige. Pinatulog na namin si Adonis na medyo shock parin sa nangyari, sa isa sa mga guest rooms.

"Malapit ng mag umaga..let's go okay?"

Umiling lang ulit ako. Ayokong umalis dito..at saka komportable ako sa pagkakasandal ko kay Craige. Pareho kaming nakakumot dahil of course malamig dito.

Malamig naman talaga sa tagaytay..idagdag pa na kauulan lang. Kanina pa huminto yung ulan kaya dito kami pumuwesto ni Craige. Ayoko kasi sa loob dahil ayoko pang matulog..but after a few minutes hindi ko din naman napigilan yung antok ko.

...

...

Napadilat ako ng bigla akong buhatin ni Craige. Saglit na nalula ako dahil kitang-kita ko yung baba...ipinalibot ko ang mga braso ko sa leeg ni craige at sumubsob ako sa kaniya.

"Hmm.."-me

"What?"

"You smell so good."

Kahit hindi ako nakatingin alam kong nakangiti siya. Ibinaba niya ako sa ibabaw ng kama at hinila niya yung comforter para ibalot sakin. I look at him sleepily.

"Bat ka nakatayo diyan? Tabihin mo kaya ako."-me

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon