CHAPTER 41 ~ Athena ~

142K 2K 47
                                    

CHAPTER 41

CRAIGE'S POV

Hindi ko alam kung paano..pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papasok ng hospital habang karga ko si Althea na nawalan na ng malay. Wala na akong pakialam sa mga nababangga ko. Kailangan kong madala agad sa doctor si Thea..

HIndi pwedeng mawala ang anak namin..

Hindi ko kakayanin.

"Thea..t-hea..ducky..baby..hang on. F@ck please hang on."

May sumulpot na lalaki at binigyan ako ng stretcher. Inihiga ko don si Thea at tinulungan niya akong dalin si Thea papasok. Hinawakan ko yung kamay ni Thea...

She'll be fine...Magiging ayos din siya. Hindi siya mawawala...o ang baby namin. Hindi pwede....hindi pwede na ngayon na ayos na ang lahat. Hindi pwede ngayon na magiging masaya na kami.

...

...

Napatigil ako ng ipinasok na sa loob ng emergency room si Thea. May bigla ding humila sakin. Nilingon ko kung sino yon at nakita ko si Paige. Namumutla siya at nanlalamig ang mga kamay niya.

"Magiging okay lang si Thea, Kuya. Yan pa, matibay yan. And of course yung baby niyo..hindi siya mapapahamak. Dahil sigurado akong kahit wala na si Ava ibabalik siya dito ni Althea para patayin."

Pinaupo niya ako.

"I-I dont know what will I do..kapag..kapag nawala kahit sino sa kanila..hindi ko alam kung paano ko kakayanin. Hindi ko alam kung makakaya kong kayanin."

"Kuya.."

"Fuck this..this messed up life. Ilang beses ng muntik mapahamak si Thea ng dahil sakin. Dahil sakin namatay yung taong minahal ko..ngayon naman yung babaeng mahal ko..mapapahamak ng dahil sa walang kwentang tao..dahil sakin."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon