CHAPTER 49 ~ Wedding ~

157K 2.3K 117
                                    

CHAPTER 49

ALTHEA'S POV

Huminga ako ng malalim..kaya ko to. Lahat naman nakakalagpas sa ganitong stage. Mahirap sa una, nakakakaba, pero kailangan..at eto naman ang gusto ko eh.

Finally kasi..

...

...

Ikakasal na kami ni Craige. Yup..and katulad ng plano..buntis ako na maglalakad sa aisle. False alarm lang pala ang nangyari nung isang araw. Natatawa nga ako kapag naaalala ko yung itsura ni Craige non na parang mawawalan na ng ulirat. Nagsisimula narin siyang mag monologue non.

Hindi naman natuloy..akala ko talaga manganak na ako non eh. Sinabihan nga kami ni Tita Sage na ipostpone muna yung kasal. Kaso hindi kami pumayag ni Craige.

Kahit hindi aminin ni Craige alam kong excited na din siya. Sabi nga ni Hade na siyang bestman niya, madaling araw pa lang daw kanina gising na si Craige.

"Thea?"

Napapitlag ako ng biglang may tumawag sakin. Dumilat ako at saglit na napangiwi ng marealize ko na kanina pa pala ako pinapadilat nung beautician. Nilalagyan niya kasi ako ng make-up.

"Ayan ang ganda mo na, madam."

"Matagal na."-me

Napangiti yung beautician. Alam ko namang agree siya. Tignan mo nga ang aking face, pang Miss Universe ang dating at ang aking super yummylicious sexy body, pang FHM.

Ay wait..hindi nga pala ako sexy ngayon. Whatever...ako na ang pinaka seksing buntis sa planet Earth at planet Chumurereng na planeta ng aking Captain America-

"Bago mo ituloy ang pagbubuhat ng bangko sa isip mo mag bihis ka muna."

Nginisihan ko si Quin. Mukang bad mood siya...bakit? Well obvious naman na hindi niya gustong makapartner ang iniirog niyang si Hade.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon