CHAPTER 7 ~ Tom Cruise ~

165K 2.6K 136
                                    

CHAPTER 7

 

 

ALTHEA'S POV

Tinitignan ko yung repleksyon ko sa salamin. Nandito pa kami sa The Camp pero paalis na kami papunta sa company ni Parker. I mean paalis na ako dahil ang atat na si Boss, Sir, Among tunay ay iniwan na ako. Dala niya na yung mga damit na dadalin ko dahil may nahanap na siyang lugar na tutuluyan namin malapit sa office ni Parker.

Babalik na lang daw kami sa The Camp kapag friday. Kinakabahan kasi akong mag stay-in. Ayokong iwan si Adonis. Though payag siyang mag stay kaila Fierce ayoko naman masanay siya na wala ako. Baka akalain niya pa ni ne-neglect ko siya.

Pinaliwanag ko sa kaniya kahapon na may importante ako na kailangan kong gawin. Mukang relectant siya kahapon pero napapayag ko naman. But I dont want to leave him for too long kaya every friday babalik kami.

Bumalik yung diwa ko sa suot ko. Medyo mababa ang neckline non pero pang bussiness attire naman. Pinabayaan lang ako ni Craige kahapon pumili ng pumili ng damit habang may binabasa siya na kung anong magazine sa gilid nung boutique na pinasukan namin.

Akala ko nga ako ang magbabayad..pero mukang gusto niyang magbawas ng tumpok-tumpok niyang kayaman kaya naisipan niyang ilibre ako kahapon.

Ibig lang sabihin non gumagana pa ang pagiging tao niya. Hindi pa siya complete na kalahi ni E.T...siguro kaya siya nandito sa planetang earth dahil tinakwil siya ng mga taga Plane Chumurereng.

Hindi na daw kasi kaya ng mga gwapong bitter don ang sobrang ka-bitteran ni Craige sa mundo.

"Maganda ka na..mamaya mabasag pa yang salamin."

Lumingon ako sa pinto at napangisi lang ako ng makita ko don si Fierce na nakatayo. I flip my hair at nag beautiful eyes ako sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at ibinato ng unan na nahagip niya na madali ko namang naiwasan.

"Ewan ko ba sa inyo..hindi ba kayo magkapatid ni Paige? though mas muka talaga siyang manika ikaw naman mukang idol mo si barbie. Hindi ka nga lang anoxeric katulad niya."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon