CHAPTER 22 ~ Big Show ~

139K 2.1K 100
                                    

CHAPTER 22

ALTHEA'S POV

Napamulat ako ng marinig kong nag a-vibrate yung cellphone ko. Nakapatong kasi yon sa bedside table kaya lumilikha yon ng ingay habang nag va-vibrate. Tatayo na sana ako pero nakayakap sakin ang braso at hita ni Craige.

Kaya naman pala ang init. And yes..tabi po kami. Kesa naman gabi-gabi kaming naggagapangan mabuti na yung magkasama kami. effortless.

Nang kumahol si Aff napatayo na ako ng wala sa oras. At dahil nakayakap sakin si Craige na hila ko siya at nahulog siya sa sahig.

Napangiwi ako.

"What the- thea?"

Dali-daling hinubad ko yung nighties ko. Kinuha ko yung phone ko at lumapit ako don sa closet. Aware ako na nakatingin sakin si Craige.

"Nabasa ko yung Fifty Shades Of Grey..ginawa nila yon kahit may period yung babae. Its okay with me...if you're comfortable with me-"

"Craige..I'm not comfortable with that at hindi ako naghuhubad dahil may gagawin tayo. Parang may emergency...shit! Hello?"

Sinagot ko na yung phone ko na hindi ko pa pala nasasagot. Natataranta kasi ako..kahit nakasilent ang phone ko kapag taga The Camp ang tumawag at emergency mag ri-ring parin yon.

pero dahil hindi at kanina pa nag va-vibrate yon...ibig sabihin lang non ibang taong ang tumatawag. At sinong matinong tao na hindi agent ang tatawag sa ganitong oras kung hindi emergency?

Inipit ko sa tenga ko yung phone ko habang sinusuot ko yung jeans ko.

"Hello?"

"A-Avery.."

Napasinghap ako. Iisa lang ang may tawag sakin na ganon na nasa phone book ko. Kumuha ako ng pantalon at shirt sa isang side ng closet katapat nung side na sa akin at ibinato ko kay Craige yon.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon