CHAPTER 2 ~ Alien ~

170K 2.9K 114
                                    

CHAPTER 2

ALTHEA'S POV

Masigla ako habang nagta-trabaho ako ng mag hapon na yon. Pero pagdating ng hapon kasabay ng konti na lang ang tao sa 'Craige' unti-unti narin akong na bored.

Buti pa si adonis na nakita kong kasama ni Hermes na mukang balak maging second Dora The Explorer ay hindi na bo-bored dahil iniikot nila ang buong The Camp.

Dahil kakapa-parlor slash bagong upgrade lang ng system ng The Camp..may bago ng inilagay sa mga Phone namin na bigay ng The Camp.

Pwede na naming i-track yung mga bracelet na suot nila Hermes at Adonis para alam namin kung saan sila nandoon. At kung saktong may security camera kung saan sila nag gagala...makikita naming kung anong ginagawa nila.

Sa ngayon kami pa lang ni Fierce ang gumagamit non kasi kami pa lang naman yung may mga bata sa bahay na kailangang bantayan.

"Shoo!."

Kumunot yung noo ko..kasalukuyan akong nasa likod ng Craige para magtapon ng kahon na lalagyan ng ingredients ng may marinig akong kung ano. Nalingunan ko si Hade na kasalukuyang may tinataboy na kung ano.

"Ano yan?"-me

"ay palaka!"

tumingin ako sa paanan niya at nakita kong may malaking palaka na tatalon-talon paalis. Hindi ako takot sa palaka..takot ako sa maliliit na insekto.

"Wew! galing mo thea ikaw lang pala ang makakapagpaalis kay micaela."-hade

"Sino yon?"

"Yung palaka."

"Pinangalanan mo yung palaka?"

"Oo!"

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon