Mayaman sa Hangin

10 1 0
                                    

Simula nang nagkaroon ng pandemya, lalong nahilig si Aling Cora sa paghahardin. Katuwang niya ang kaniyang mga anak sa pag-aalaga ng kanilang mga halaman. Mayroon silang mga gulay, bungang-kahoy, at halamang ornamental.

"Carlo, pakikuha nga riyan ng shovel," utos ng ina sa panganay na anak.

"Saan po ba rito?"

"Diyan ko lang nilagay iyon kahapon."

"Wala po talaga, e. Gloves lang po at mga paso lang ang narito. Baka po nandoon sa loob."

"Pakitawag mo nga si Clara," utos ng ina.

"Clara, tawag ka ni Mama," pasigaw ni Carlo.

"Sandali lang po," sagot ng bunso. "Nandito po kasi ako sa banyo."

Naghintay sina Aling Corazon at Carlo kay Clara at nang dumating ito, hawak na nito ang hinahanap ng ina.

"Ito po ba ang hinahanap ninyo?" nakangiting tanong ni Clara.

"Iyan nga! Nariyan lang pala sa iyo. Akin na nga't may huhukayin ako rito."

Agad na lumapit si Clara upang iabot ang shovel. "Heto po."

"Ililipat ko itong palmera sa malaking paso. Tulungan ninyo ako, ha?"

"Sige po... Kuya, halika muna rito sandali. Ikaw na ang maghukay. Kami na ni Mama ang maglipat sa paso," sabi ni Clara.

Agad namang kumilos si Carlo. Hindi niya alintana ang hirap niyon dahil alam niyang mapapasaya niya ang kanilang ina.

"Hayan! Malapit na!" tuwang-tuwang bulalas ng ina. Teka, kukuha na ako ng paso para mailagay mo na diretso."

Agad na nakabalik si Aling Cora. May dala na siyang malaking terracota pot. "Dito bagay iyan, di ba, Clara?"

"Opo, 'Ma. Maganda ang pasong ito. Ganito rin po ang paso na nakikita ko sa bahay ng mayayaman."

"E, 'di... mayaman na rin pala tayo nito?" biro ng ina.

"Yes po. Mayaman po tayo sa halaman," sabi naman ni Carlo.

"Hindi lang iyon... Mayaman tayo sa oxygen kasi mas maraming halaman at puno, mas sariwa at malinis ng hangin. Hayan o, naaamoy ko ang simoy ng hangin." Suminghot-singhot pa ang ina. "Try niyo, dali!"

Suminghot-singhot din ang magkapatid.

"Ay, oo nga po! Ang sarap!" natatawang sabi ni Carla.

Nagkatawanan na lang silang mag-iina. Lalo nilang napatunayan na hindi naman mahirap magtanim. Bagkus, ito ay nakawiwiling gawain.

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now