Maliwanag na Bill

13 1 0
                                    

Ina: Makinig kayo, Jonela at Ronelo. Kayo ang numero unong nagpapataas ng bill ng kuryente.

Jonela: Bakit po?

Ronelo: Hindi naman po.

Ina: Basta makinig kayo... Babasahin ko ang balita sa Remate online.

Jonela: Sige na po, 'Ma, makikinig na po kami.

Ronelo: Narito ang iba pang detalye mula kay sa ating patroller. Carmela Lubayan, pasok!

Ina: (Natawa muna bago binasa ang balita sa kanyang mobilephone.)


Meralco, ipaliliwanag ang bill via personalized letters


Manila, Philippines – Ipaliliwanag sa mga kustomer ng Meralco sa pamamagitan ng "personalized" explanation letter ang billing statements sa kasagsagan ng community quarantine period makaraang dumagsa ang reklamo ukol dito.

Sa panayam, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na ang liham ay "corrective measure" sa kabila ng pag-amin na bigo sila sa malinaw na pagpapaliwanag sa mga inisyung bill.

"As a corrective measure, ang gagawin namin dito maglalabas kami individually ng explanatory letter para sa lahat ng customer natin na apektado," lahad ni Zaldarriaga.

"We really need to explain one by one. Kumbaga, personalized for a particular account kasi kailangan na namin at this point isa-isahin. Talagang nagdulot ng kalituhan 'yung estimated reading," dagdag pa nito.

"Alam po namin na medyo may pagkukulang tayo doon dahil

hindi natin na-identify doon mismo sa bill kung ano 'yung estimated at kung ano 'yung naging actual. Hindi nakalatag doon."

"Ang nangyari napagsama-sama lahat sa isang buwan."

Samantala, humingi naman ang pamunuan ng paumanhin sa publiko.

"Humingi kami ng paumanhin at patuloy kaming humihingi ng paumanhin doon sa kalituhan na naidulot nung bills mula nung hindi nabasa ang metro noong nag-lockdown po tayo."

"Kung meron silang during that period of time na nabayaran ng sobra through the autodebit, mako-correct 'yan once the meter has been read," lahad pa nito. RNT/FGDC



Ronelo: Thank you, Carmela! Back to you, Jonela.

Ina: Ano ba? Naintindihan niyo ba?

Jonela: Ronelo, naintindihan mo ba?

Ronelo: Medyo.

Ina: Ulitin ko ba?

Jonelo: Huwag na po baka mapaos po kayo.

Ina: O, sige, basta ang punto ko rito... magtipid tayo sa kuryente. Sa panahon ngayon, mahalaga ang bawat sentimo. Kaya ang pagtitipid ay isang malaking tulong.

Jonela at Ronelo: Opo, Mama!

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now