Paano Gumawa ng Zine

67 2 0
                                    

Kung interesado kang matutong gumawa ng zine, sundan mo lang ito. Madali lang naman ito. Hindi tulad noong panahon ng quarantine.

Pero, ano nga ba ang zine?

Ang zine ay isang maliit na magasin na ginawa ng isang tao o isang maliit na grupo ng mga tao, at tungkol sa isang paksa na kanilang kinagigiliwan.

Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng zine?

Pumili ng papel. Maaari kang gumamit ng bond paper, colored papel o anomang uri ng papel. Ang mahalaga, maitutupi mo ito, maba-bind o mai-staple. Ang paggamit ng staple o iba pang binding materials ay nakadepende kung gaano kakapal ang zine mo. Kung isang bond paper lang naman ang itutupi mo, no need to staple.

Ihanda ang tema. Maaaring social issue, personal, political, religious, kahit ano! Anything under the sun ay maaari mong maging topic sa zine. Puwede ang koleksiyon ng tula, sanaysay, kuwento, dagli, quotes o hugot.

Pumili ng disenyo. Puwede kang gumamit ng MS Publisher. Maaari mong lagyan ng mga larawan, ikaw mismo ang kumuha. Puwedeng comics style. Puwede ang collage. Puwede mong lagyan ng sketches, calligraphy, at paintings mo. Ilabas mo ang creative juices mo. It's all yours! Walang mali sa arts.

Buuin mo na ang laman. Mahalaga ang layout sa zine. Ang karaniwang zine ay may 8 pahina. Kung may dalawang bond paper paper ka at tinupi mo at pinagtaklob mo ang mga iyon, magkakaroon ka na ng 8-page zine. Marami ka nang mailalagay roon. Siguraduhin mo lang na magkakasunod-sunod ang pahina o laman. May front at back page. Siyempre, nasa front o cover page (page 1) ang pamagat ng zine at pangalan ng may-akda.

Ilimbag mo na. Ang printing ang pinakahuling hakbang. Ito rin ang madalas na problema. Kung may sariling printer ka, good! Kung wala, ipa-photocopy mo. Puwede itong black and white lang o full colored, depende sa budget o sa ink mo. Basta ang mahalaga rito, maipahayag mo ang nilalaman ng zine mo.

Ang zine ay maituturing na intellectual property mo. Maaari mo rin itong pagkakitaan. Kung ayaw mo naman, koleksiyon lang. Idagdag mo sa laman ng mini-library mo sa bahay ninyo.

So, gets mo na ba?

Sigurado akong pagkatapos nito ay magagawa mo na ang kauna-unahan mong zine. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now