Mag-Segregate

57 1 0
                                    

May pera sa basura, 'ika nga. Kaya, mag-segregate ka na. Pagkakitaan mo ang mga patapong bagay.

Ihiwalay mo ang sarili mo. Plastic ka, e! Huwag kang paepal. Hindi ka naman papel. Although, pareho lang kayo ng pinanggalingan, magkaiba pa rin kayo. Ikaw, mapagkunwari. Ang epal, bida-bida. Ikaw, di-nabubulok. Ang papel ay nabubulok. At dahil non-biodegradable ka, ang hirap mong tunawin sa mundo. Lalo ka pa nga yatang lumalakas sa panahon ngayon. Padami kayo nang padami. Usong-uso kayo ngayon, grabe!

Lumayo ka sa bakal, hindi kayo magkatimbang. Kapag dinarang kayo sa apoy, ikaw, malulusaw at mangangalingasaw. Ang bakal, idarang mo sa apoy ay lalong tumitibay, gumaganda.

I-segregate mo ang sarili mo. Plastic ka, e. Mumurahin ka lang. Wala kang class.

Oo, may pera sa basura. Pero, ang basurang katulad mo ay cheap. Kaya. I-segregate mo ang sarili mo sa mga basurang may tunay na pakinabang. 


ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now