Hard Lockdown (teksto)

21 1 0
                                    

Nagpaalam si Andrew na lalabas upang manghiram ng paint brush sa kaklase.

"Naku, huwag na... Bawal kang lumabas," sawata ng ina.

"Magsusuot naman po ako ng facemask."

"Kahit na... Ako na lang ang pupunta."

"Huwag na po... Ako na lang po kasi... Wala namang manghuhuli sa akin. Kilala naman po ako ang mga barangay tanod at barangay chairman natin. Tropa ko po sila." Natawa pa si Andrew sa kaniyang tinuran.

"Naku, paano kung hindi sila ang bantay? Paano kung mga sundalo, military o pulis? E, lockdown nga tayo kaya naghigpit? Hindi mo ba alam na buong pamilya ang may CoViD diyan sa kabilang block?"

"Hindi naman ako pupunta sa kanila, e."

"Kahit na..."

"Sige na, Ma... Inaatake na ako ng anxiety... Kailangan ko na pong mag-paint. Bakit po kasi itinapon mo ang mga paint brush ko, e... Pinatutuyo ko lang ang mga iyon. Hindi pa dapat itapon."

"Sorry na... E, kasi sa labas mo naman nilagay."

"Kaya nga po payagan na ninyo akong lumabas para makahiram ako kay Arnel."

Hindi agad nakatugon ang ina dahil may hinanap ito sa cellphone.

"O, heto, pakinggan at panoorin mo." Iniabot ng ina ang cellphone sa anak.

"Pinatutupad ngayon sa isang barangay ng Cavite ang hard lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoViD-19. Narito si Arvin Barton para sa mga detalye," sabi ng tv anchor.

"Dahil sa mabilis na paglobo ng CoViD positive, ipinatutupad ngayon sa Spring Ville Subdivision ang hard lockdown. Narito ako ngayon sa may gate ng naturang subdivision kung saan nagkakaroon ng mahigpit na security para sa mga lalabas at papasok. Kung nakikita ninyo sa aking likuran, isa-isang hinahanapan ng quarantine pass ang mga residente. Kinukuhaan din sila ng temperatura at sinisiguradong nakasuot ng facemask at face shield. Makikita rin ninyo na mahigpit din para sa mga motorista. Tinitiyak nilang sumusunod sa safety and health protocols ang mga ito. Hindi naman pinapayagang lumabas ang mga residenteng hindi 21 hanggang 59 ang edad. Ito po si Arvin Barton, nag-uulat."

Ibinalik n ani Andrew ang cellphone sa ina.

"Ano? Aalis ka pa?"

"Hindi na po, Ma. Magbabasa na lang po ako."

"Mabuti pa nga."

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now