Si Kapitan Ito at ang Kaniyang Barangay

7 1 0
                                    

Isa ang Bucal sa mga barangay sa bayan ng Tanza ang apektado ng pandemya. Subalit dahil sa masipag na kapitan, wala pang sampu ang nagpositibo sa CoViD-19 simula nang pumutok ito sa Pilipinas.

Mahal ni Kapitan Ito ang Bucal, gayundin ang kaniyang mga kabarangay, kaya ginawa niya ang lahat upang hindi sila lubos na maapektuhan.

Mabuting pinuno si Kapitan Ito. Napakasigasig niya sa kampanya laban sa virus. Hindi hamak na mas mababa ang bilang ng mga natamaan nito kaysa sa ibang barangay.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ng kaniyang barangay sa kaniyang marubdob na serbisyo. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now