Capital o Hindi

56 1 0
                                    

Bakit ang pronoun (panghalip) na 'I'ay isinusulat ng capital letter? Hindi ba pwedeng 'i'lang?


Ang 'I' o 'i' ay gaya ng tao, height ng tao o katayuan ng tao. Ang capital nito ay tila isang mataas na tao. Punggok naman pag hindi naka-capitalized.  


Madalas, isinusulat ito sa sa unahan ng pangungusap (sentence), kaya naka-capital ito. Pero kapag nasa gitna, sana small letter lang. 


Hindi ako psychologist pero... dahil dito, nagiging mapagmataas ang isang tao. Mataas o malaki kasi ang tingin niya lagi sa sarili niya kahit nag-iisa. Ang 'I' ay 'ako'. Kaya, nagiging makasarili o kulang sa pansin ang 'I'.


Minsan, kahit mag-isa ka lang o maliit ka lang, kaya mong mag-standout sa crowd. 



ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon