Bakit Mahalagang Matutong Sumulat at Bumigkas ng Tula?

331 1 0
                                    

Hindi basta-basta ang kakayahang sumulat at bumigkas ng tula. Marami itong kahalagahan. Maaari itong mapagkunan ng ekstrang kabuhayan. Maaari itong pagkakitaan.

Isa-isahin natin ang mga ito.

Una. Naipapahayag ng tula ang mensaheng nais iparating ng may-akda o ng bumigkas. Para sa mga kalalakihan, epektibo ang paggamit ng tula sa panliligaw. Marami ang kinikilig sa sulat na may tula. Kahit sa mga greeting cards, mainam na sulatan ng tula ang loob nito. Ang iba nga, ginagawa itong negosyo. Hindi lang sa greeting cards, maaaring gamitin ang tula. Maaari rin itong gawin sa bookmarks.

Ikalawa. Ang pagbigkas ng tula ay isang pagtatanghal. Maraming tao ang naaaliw sa mga manunula o makata. Noon, naging bida sa mga tanghalan ang balagtasan. Ngayon, nariyan na ang sabayang pagbigkas, spoken word poetry, at fliptop. Hindi rin maikakailang dahil sa tula, may mga uri ng awitin. Ang awit daw kasi ay tula. Ang mga bugtong at hugot ay mga tula. Lahat ng mga ito ay tunay na nakapagbibigay-aliw at nakakasagi ng ating mga puso.

Ikatlo. Ang pagtula ay isang uri ng trabaho. Si Marc Logan ay mamamahayag na gumagamit ng tula para magbalita. Nakakaaliw ang kanyang estilo. Patunay lamang ito na hindi basta-basta ang tula. Si Donna Cariaga ay nanalo sa isang patimpalak sa telebisyon dahil sa kanyang husay sa pagtula at paghugot. Hindi lang siya ngayon manunula, kundi artista na rin.

Ikaapat. Ang tula ay isang uri ng content sa youtube. Hindi lingid sa karamihan na may pera sa vlogging. Kaya nga, maraming vloggers na nakapokus sa pagsulat at pagbigkas ng tula. Kumikita na ang ilan sa kanila.

Kaya, mahalaga ang tula. Mahalagang marunong tayong sumulat nito. Plus na lang kung may talento tayong bumigkas, gamit ito. At ang mas mahalaga pa, masaya tayo... at kumikita.

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now