Ang Talaarawan ni Ramon

15 1 0
                                    


Abril 14, 2020

Dear Diary,

Isang buwan na ang nakalipas nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) kung saan bawal lumabas. Tanging si Papa lamang ang nakalalabas ng bahay upang bumili ng aming mga pangangailangan. Isang miyembro ng pamilya lamang kasi ang binigyan ng barangay quarantine pass.

Mula sa ECQ, ipinatutupad naman ngayon ang general community quarantine (GCQ) at extended pa rin ang ECQ sa ibang parte ng bansa.

Nakakalungkot ang kalagayang ito ng Pilipinas. Sobra rin akong natatakot at nangangamba na baka mahawaan kami, lalo na't kailangang lumabas ni Papa. Gayunpaman, labis ang aming pag-iingat. Hinuhugasan niyang maigi ang kaniyang pinamili at ang kaniyang sarili pagdating niya.

Hindi ko rin lubos maisip kung hanggang kailan ang pandemyang ito. Nag-aalala ako para sa aming lahat. Nawalan ng trabaho si Papa. Hindi na rin makapagtinda si Mama. Mabuti na lang, may naipon silang pera. Ginamit nila iyon upang mag-online selling. Sana marami ang tumangkilik sa lutong ulam namin. Masarap namang magluto ang aking mga magulang kaya sigurado akong babalik-balikan sila ng mga customer.

Ngayong araw, marami akong napagtanto. Isa na rito ang pagkatuklas ko ng aking mga talento. Kaya ko palang magsulat ng maikling kuwento. Dahil nakahiligan ko ang pagbabasa, nabuhay ang diwa ko para sa pagsusulat. Isang kuwentong pambata ang nagustuhan ko. Dahil sa karakter niya, naging inspired naman akong isulat ang kuwento ng batang nag-trending sa Facebook. At siyempre, nilagyan ko na lang twist sa dulo upang maiba.

Bukas at sa mga susunod na araw, hindi na ako malulungkot at mabubugnot dahil sa hindi ako makalabas ng bahay. Marami palang puwedeng gawing kapaki-pakinabang na bagay at gawain habang nasa bahay.

Patuloy na lang akong mananalangin upang bumaba na ang bilang nagpopositibo sa CoViD-19. Patuloy rin sanang maging malusog ang pangangatawan naming mag-anak.

Ramon, 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now