Pamamanhikan

14 0 0
                                    

Ang pagpapakasal noon ay isang malaking pagdiriwang, kaya pinag-uusapan ito ng magkabilang pamilya. Minsan pa nga ay kasama pa ang punong barangay o iba pang maimpluwensiyang tao.

Dumadaan muna sa pamamanhikan bago ang kasalan. Ito ay isang pagtitipon ng dalawang pamilya upang pagkasunduan ang petsa, lugar, mga ninong, ninang, abay, at gastusin sa pagpapakasal ng dalawang nag-iibigan. Kadalasan, may malaking salusalo sa araw ng pamamanhikan. Hindi pa ito ang kasal, kaya mas kaabang-abang ang araw ng pag-iisang-dibdib.

Ang pagpapakasal noon ay hindi lang desisyon ng magpapakasal. Pinag-uusapan ito at pinaghahandaan ng magkabilang partido, minsan pa nga, ng buong barangay. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now