kabanata 10

3.7K 110 4
                                    

Hindi alam ni Mallari kung saan niya dapat ituon ang kanyang paningin.Ilang beses na pag-iwas ang ginagawa niya sa tuwing makakasalubong ng mga mata niya ang masamang tingin ni Darth.Nangangawit na sya kaya napagdesisyunan niya na tumingin sa harapan at tagusan ito.

"Babae hindi ka mapakali dyan?".bulong sa kanya ni Olivia.

"Na-naiihi lang ako".dahilan niya.

"Edi paalam ka kay Sir".

"A-ayoko ,mamaya nalang, kaya ko pa naman".pagkasabi niya nun ay hindi na ito sumagot pa.

Kinakalma niya ang sarili ng tawagin sya ng wala sa oras ng kanyang guro upang sumagot.

"Ah-eh...".napayuko na lang sya ng wala syang maisip na sagot.Narinig niya ang tawanan ng kanyang mga kaklase pero pinatigil nito ni Darth.

"Miss Alcantara go to my office after dismissal".huling sambit nito at nagturo na ulit.

Nayuko nalang sya pagka-upo.

"Anong trip ng lalaking yan ngayon Mall,at pinahiya ka ?humanda sakin yan mamaya".rinig nyang ani ni Olivia.Hindi nalang niya sinagot.

Lumipas ang oras ng walang naintindihan sa aralin si Mallari.Kinakabahan sya sa mangyayari mamayang dismissal.

"Ok ,class dismissed".anunsyo ng guro nila.

Tumayo na sya at ipinasok ang gamit sa kanyang bag.

"Mall,okey ka lang?gusto mo samahan kita".mababakas sa tinig nito ang pag-aalala sa kanya dahil matamlay sya.

Isang ngiti lang ang isinagot niya at nag-patiuna na sa paglabas.

Sige ang pagpapakawala niya ng malalalim na paghinga niya bago napagdesisyunang kumatok.

"Come in".ani ng boses sa loob.

Dahan-dahan nyang pinihit ang door knob at maingat na pumasok.Nakita nyang abala si Darth sa mga sangkaterbang school papers bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"Gu-good morning sir".

"As you can see kaya kita pinapunta dito to give you a punishment for being absently unattended in my class".

Mukhang sa kanya ipapagawa ang nqpakaraming school papers na yun.Wag naman sana!!.

Tumayo ito at lumapit sa kanya ,napaatras pa sya ng kaunti

"I want you to check all those papers"diretsong tingin nito sa kanya tyaka itinuro ang napakaraming quiz papers .oh no!!!

"Darth naman sobrang dami nyan di ko kayang matapos yan".Angal niya.

"Do you want to fail in my subject?".banta sa kanya nito.

Wala na syang magagawa, ayaw nyang bumagsak. Ano na lamang ang sasabihin sa nanay at tatay niya ?Na hindi sya sumunod kaya bumagsak siya.Sa huli ay kinuha na lang niya ang mga quiz papers at padabog na lumabas .

Gaganti ako,may araw ka rin saking lalaki ka .aniya sa isip bago nagmartsa.

...

Isang buwan ng nakalipas simula ang iringan nila ni Darth.As usual nanduon parin sya sa mansyon dahil kay grey.Mas lalo syang napalapit sa bata taliwas sa hindi nila pagpapansinan ng ama nito.

Hindi parin niya nakakalimutan ang parusa nito sa kanya.Halos magka-kalyo na ang buong daliri niya kaka-tsek.Mabuti na lamang ay tinulungan siya ni Kelly at Olivia.

Samantala habang tumatagal ay nakikilala sa kanilang campus si Kelly Simula ng sumali ito ng volleyball. Agad napansin ang angking galing nito sa paglalaro.

Kasalukuyan siya ngayon nasa cafeteria ng Xladest .Mag-isa lamang siya dahil maaga syang pumasok.

"Ay tae ng Kalabaw!!".gulat nyang sabi ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang pala.

"Pfft...Hahaha!!".Hindi mapigil na tawa ni Kelly.Nakahiga na ito sa lapag habang hawak ang tyan.

"Shock! Bhe ang hot niya tumawa".

"Yeah! Nakaka-inlove hihihi!!".

"Oh my God! Super gwapo niya talaga".

Rinig nyang ani ng mga babae sa cafeteria na malanding naghahagik-gikan.Tss.

"Loko  ka rin noh,bakit mo ginawa yun?".bulyaw niya dito sabay pingot dito.

"A-aray ,sorry na gusto lang naman kita gulatin ee,a-aray!".

"Ah! Ganun,e kung iparape kita sa mga fan girls mo?".takot niya dito sa ay tingin sa mga babaeng nagpapantasya.

"He he!peace tayo Mallari".pag-aalo nito sa kanya ngunit huli na dahil tinawag na niya. Mabilis na nakatakas si Kelly ng tumakbo palapit sa kanila ang mga babae.

"Hahaha! Nakaganti ako,maaga pa naman pwede pa ako makihabol".aniya at tumakbo na rin upang hanapin si Kelly.

Kanina pa tumatakbo si Mallari ngunit Hindi parin niya nakikita si Kelly.Kahit ang mga fan girls nito ay Hindi na rin niya nakita.

"Hala! Baka narape na yung lalaking yun, pfft!".pigil tawa nyang ani.

Tatakbo na sana uli sya upang hanapin na si kelly ng may humablot sa kanya sa sulok.

"Hmmp!hmmp!".palag  niya ng takpan nito ang bibig niya at sinandal sya sa pader.

"sshh! Baka makita nila ako".nakumpirma nyang si Kelly iyon ng makita niya ang mukha nito.

Nagpalinga-linga muna ito bago pinakawalan ang kanyang bibig.

"Pfft!".pigil tawa niya ng bigyan sya nito ng masamang tingin.

"Kasalanan mo ito,kung Hindi mo sila tinawag did sana ako nagtatago dito".ani nito.

"Inumpisahan mo kasi ,hahaha!".tawa niya.Napahinto lang sya ng inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Alam mo ba kung anong parusa ko sa mga nanloloko sakin?".mahinang ani nito.Naramdaman nyang dumampi sa mukha niya ang hininga nito dahilan para magtaasan ang buhok niya sa katawan.

"A-eh,may klase na tayo Baka ma-late tayo ,una na ko huh!".pagdadahilan niya.

Akmang aalis na sya ngunit kinulong sya nito sa dalawang braso at nasa lalong lumapit sa mukha niya.

Naka-tuon ang mga mata nito sa kanyang labi bago itiuon makipag-titigan sa kanya.Hwuah! Ano ba iniisip niya.kabadong ani ng kanyang isip.

Unti-unti itong lumalapit sa kanya.Sya ba magiging first kiss ko?.Pinikit na lang niya ang mga mata niya at tinatak sa isip na bahala na.

Ngunit limang segundo na syang naka-pikit ay wala parin syang nararamdaman kanya iminulat niya na ang mga mata niya

"Kelly!".gulat nyang sigaw ng makitang nakahiga na ito sa sahig.

Lalapitan na sana niya ito dahil wala na itong malay ng may humila sa kanya palayo at kinaladkad sya .

"Darth?,Ano ba bitawan mo nga ako".pagpupumiglas niya sa pagkakawak nito sa kanyang kamay ngunit mas Palo lamang humigpit ang paghawak nito.

"Ano ba?,nasasaktan ako".pagpupumiglas niya.

Dinala sya nito sa parking lot ng school at pwersahang sinakay sa kotse at mabilis na punaharurot iyon.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now