43. The plan

25.6K 1.5K 82
                                    

THE PLAN

[Tana]

Buhat-buhat naming dalawa ni Lei ang ilang kahon na pinadala sa amin.

"Mamayang gabi, malalaman nang buong mundo kung gaano kagaling si Master. Siya ang magbabago ng mundo ng mahika," natutuwang sambit ng lalaking kasama namin.

Kabilang ito sa mga tagasunod at tagasilbi ng mga Disciples. Ang laman ng mga kahon na dala-dala namin ay walang iba kung hindi mga camera.

Gusto pa nilang gawing live ang kabalastugan na gagawin nila mamayang gabi.

Kahit na pilit, pasimple na lamang kaming ngumiti at tumawa ni Lei. Pareho kaming nagkatinginan dahil sa pandidiri.

Hindi ko kayang sikmurain na gawin 'to kahit pagpapanggap lang. Kung hindi lang sinabi sa amin ni Xena.

≿—༻≾ TWO(2) DAYS BEFORE ≿༺—≾

Wala akong tigil sa pag-iyak mula nang dinala kami rito sa kastilyo sa Frencide. Isang araw pa lamang ang lumipas pero pakiramdam ko ay habang buhay na akong nakakulong dito.

"Bwisit! Anong ginagawa ng ama ko sa ganitong panahon?!" iritadong sambit ni Lei. Napapadyak pa ito sa lupa.

Doon ko naalala na anak pala si Lei ng ruler dito sa Frencide. Pero mula nang dalhin nila kami rito ay wala pa akong nakikitang sibilyan o myembro man lang ng council.

Pareho kaming dinala ni Lei sa iisang silid dito sa pinakamalaking kastilyo sa bayan. But unlike us, sa ibang silid dinala si Zairah sa hindi namin malaman na dahilan.

"W-What do you think happened to Xena and Raze, Lei?" naiiyak na sambit ko.

"S-Sa tingin mo. P-Patay na sila?" muling dagdag ko.

Nagsimula ulit magsibagsakan ang mga luha ko. Pati ang uhog ko ay nagsisimula na ring tumulo.

Hindi kaagad nakasagot si Lei sa sinabi ko. "O-Of course not, stupid! Si Xena at Raze ang pinag-uusapan natin dito. Raze is one of the best witch in our generation. And Xena is Astria! Walang makakatalo sa kanila!" sagot niya sa akin.

Natahimik ako sa sinabi niya. Alam kong natatakot ako ngayon. Pero kailangan kong magtiwala sa kanila.

Xena will not lose to them! She's the greatest witch of all time!

"Pero nagtataka ako. Bakit pa gusto nila tayong i-recruit? Bakit hindi na lang nila tayo patayin?" biglaang sambit ni Lei.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit pa nila kami dinala rito. Bakit hindi na lang nila kami tinapos nang nakita nila kami?

Alam nilang wala kaming laban kung wala si Xena. Pero pinili nilang dalhin kami rito at ayain kaming sumama sa kanila.

Pero kahit pa paano ay isa 'yon sa mga pasasalamat ko. Atlis ay hindi nila kami tinapos kaagad. May chansa pa kaming hintayin sina Xena at Raze.

"We need to get out of here. Kailangan kong hanapin si Zairah," muling sambit ni Lei.

Pabalik-balik ito sa paglalakad sa silid at nag-iisip. Tulad niya ay sinibukan ko na rin mag-isip ng paraan para makaalis kami rito.

Habang nag-iisip ay nabigla ako nang biglang umilaw ang isang pader sa silid. Sinubukan naming dalawa ni Lei ang lahat na spell na alam namin para sirain ito pero walang nangyari.

Pero ngayon ay bigla na lamang itong lumiwanag.

Parehong napunta ang tingin at atensyon namin ni Lei sa pader. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang imahe rito ng isang pamilyar na babae.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon