44. The culprit

26.2K 1.6K 77
                                    

The culprit

[Raze]

Pareho kaming nakasilip ni Haritha sa bintana. Nakarating na kami sa Frencide kahapon. Pero nananatili kami sa isang bahay rito para hindi kami mapansin ng mga Disciples.

She really did took us here with no worries. I don't know how she made it possible, but there's a portal on her cabin that is directly connected to this house.

Pasimple ko siyang sinulyapan. I guess descendants of a first witch really are different.

Muli akong tumingin sa labas. Ngayon na ang araw na hinihintay namin. Tonight is the Blue moon. Maliwanag pa sa labas at marami pang mga nag-iikot at nagbabantay sa bayan. Kailangan naming mag-ingat.

"Hey, where's Xena?" biglaang sambit ko.

Doon ko lamang napansin na wala sa tabi ko si Xena. Kani-kanina lang ay kasama namin 'tong sumisilip sa labas.

"Second floor," maikling sagot sa akin ng babaeng katabi ko.

Napaangat ang ulo ko sa sagot ni Haritha at lumayo ako sa bintana. "Pupuntahan ko lang siya."

Isang tango ang sinagot niya sa akin at nagpatuloy siya sa pagsilip sa bintana.

Pumunta ako sa pangalawang palapag ng bahay at naabutan ko ang babaeng hinahanap ko na kaswal na nakatingin sa bintana—sa baba.

"Are you nervous?"

Nabigla sa akin si Xena at napunta sa akin ang atensyon at tingin niya. Pilit itong ngumiti sa sinabi ko.

"I don't know," natatawang sagot niya.

Tila naging seryoso ang ekspresyon niya.

"I just can't help but to think. Handa na ba talaga ako?" muling aniya.

I was taken aback by what she said.

"Handa ba akong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito?"

Napunta ang tingin ni Xena sa mga palad niya.

"Alam kong ako ang may kasalanan. Dahil umpisa pa lang ay ako na ang gumawa ng Grimoire. Kung hindi ko iyon ginawa ay hindi sana 'to mangyayari. Walang mauuhaw sa kapangyarihan."

"Gusto kong itama ang pagkakamali ko. Kaya kukunin ko ang Grimoire ko at hindi ko hahayaang may sumagabal sa akin.... Pero paano kung ang taong kumuha ng Grimoire ay isang taong malapit sa akin?"

"What do you mean?" kunot noong tanong ko.

Muli akong tinapunan ng tingin ni Xena. "I hate to admit it. Pero pumasok na isip ko ang posibilidad na iyon. Imposibleng isang kaswal na witch ang makakuha ng Grimoire ko. I lived in a cave with a different timeline. Ang witch na makakakuha lang ng Grimoire ay isang witch na alam ang totoong katauhan ko," seryosong sagot nito. There's a hint of bitterness, sadness, fear, and anger on her voice.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at sumabay sa paghampas ng hangin ang mga kurtina.

Hindi pumasok sa isip ko ang posibilidad na iyon. Paano nga mananakaw kay Xena ang Grimoire sa umpisa pa lang?

No one knows Astria exists.

No one knows about the cave in Gretta.

No one from the outside.

Nalaman lang naming lahat ang tungkol kay Astria nang mahanap ang Grimoire niya. Nang gamitin ng mga witches ang mga kaalaman niya sa mahika.

Pero kung hindi dahil sa Grimoire ay walang makakaalam na mayroong Astria.

No one will know about the child who was born loved by magic.

That means, the person who took Xena's Grimoire, already knows her before.

"M-May ideya ka ba kung sino?" marahang tanong ko.

Mabilis na umiling ang ulo ni Xena sa tanong ko.

"I lived for almost 2450 years on your timeline Raze. Kada-century ay may mga batang dinadala si Teacher sa cave na may potential maging isang witch. At kada-taon din ay may umaalis. Wala akong ideya," sagot niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. How stupid of me to ask that. Kung may ideya siya ay hindi na sana kami nahihirapan na hanapin kung nasaan ang Grimoire.

"But still."

Napaangat ang tingin ko kay Xena nang muli siyang nagsalita.

"I need to be ready—no matter who it is. Even though he/she was also a first witch like me, I need to finish what I started."

Tumabi ako sa kaniya at tinignan ang bintanang nasa harapan namin.

"Just make sure you'll win. Make sure you won't die," seryosong sambit ko.

Natigilan si Xena sa sinabi ko at bigla itong pilit na natawa na kinanuot ng noo ko.

"Oh yeah, I forgot. May atraso pa pala ako sa'yo," walang ka emo-emosyong sagot nito sa akin. Nagpakita ito ng mapait na ngiti.

Nabigla ako sa sinabi niya. "W-Wait! Hindi 'yon ang ibig sabihin ko."

Mabilis akong napaiwas ng tingin kay Xena. She probably thinks that I'm still mad at her.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka niya.

"A-Ah. Syempre! Tana will probably gets sad. And Zairah might try to kill me," pagdadahilan ko.

Muling natawa si Xena sa sinabi ko. Pero hindi tulad ng tawa niya kanina ay totoo na ang tawa niya ngayon.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa iba?"

Sumimangot ako sa sinabi nito.

"Tsk, shut up. Just promise me okay? Promise me you'll survive. Hindi pa natin kilala ang kalaban natin. Mas mabuti nang mag-ingat," seryosong ani ko.

Hindi ko maintindihan pero iba ang pakiramdam ko ngayon. I know that Xena is strong, but I can't help to not worry.

"I have something to tell you when all of these are over. At isa pa, babawi ka pa sa akin," muling sambit ko.

Kumurba ang labi ni Xena sa isang ngiti. This is maybe the second time I saw her sincere smile. The first one was when I saw her as a kid.

"Sure. I, Xena D. Astria, will promise you that I will survive." She smiled.

" I won't die, Raze."

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. This is her second promise to me. And I hope that just like the first one, she'll keep her promise.


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now