18. Departure

30.2K 2.1K 313
                                    

DEPARTURE

[Xena]

Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob ni Raze. I'm not good in situations like this. Ang alam ko lang ay kailangan niya ng pampagaan ng loob ngayon. At ang tanging naisip ko lang na paraan ay ang yakapin siya.

Nabasa ko noon sa libro na gumagaan ang loob ng mga tao kapag yinayakap sila. I guess I helped him even if a little bit, right?

Nang tanggalin ko ang pagkakayakap ko kay Raze ay nanatili itong naestatwa sa pwesto niya. Tila hindi nito inaasahan ang ginawa ko.

"Okay ka lang?" marahang tanong ko.

Mabilis na natauhan si Raze sa sinabi ko at napunta sa akin ang tingin niya. "A-Ah yeah. Thanks," maiksing sagot niya.

Nang magtama ang tingin namin ay agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Nagtaka ako sa inakto nito pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Shall we start going?" pag-iiba ko.

Tumango sa sinabi ko si Raze at nagsimula na kaming maglakad pabalik. Pumunta kami sa usapan naming kitaan nina Lei.

Nang makarating kami roon ay sumalubong sa amin ang mga itsura ni Lei at Tana na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.

Walang lakas na napunta sa akin ang mga tingin ng dalawang kasama namin. Mabilis na lumapit sa akin si Tana at yumakap sa braso ko nang makilala ako.

Nagsimula na rin itong umiyak na mas lalong kinanuot ng noo ko.

"Fuck. Xena, sorry. Wala kaming nahanap na trabaho," Lei said, full of emotions. Kulang na lang ay suntukin niya ang hangin.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Napunta ang tingin ko kay Tana na walang tigil sa pag-iyak na parang bata.

"Wala kaming mahanap na trabaho kaya we did magic tricks instead! Pero pinagtawanan lang kami ng mga bata!" naiiyak na sambit niya.

Napaismid sa sinabi nito si Raze at napahawak naman ako sa noo ko.

"Okay lang 'yan. Bumawi na lang kayo bukas. Meron naman kaming nakuhang trabaho ni Raze," pagpapagaan ko ng loob nila.

Mabilis na lumiwanag ang ekspresyon ng dalawang kasama namin na mas lalong kinaismid ni Raze. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanila at inilabas ang pirasong papel na binigay sa akin kanina ni Zairah. Sabi niya ay gamitin namin 'to para mahanap siya.

"Deíxe mou ton trópo," sambit ko.

Nagsimulang lumutang mag-isa ang papel at gumalaw. Sinenyasan ko ang mga kasama ko na sumunod sa akin habang sinusundan ko ang papel.

Dinala kami ng mga paa namin sa tapat ng isang inn. Dito na huminto ang papel na sinusundan namin.

Doon namin napansin ang babaeng walang ganang nakasandal sa harap ng inn.

"Ano? Nakakuha kayo ng trabaho?" Bungad sa amin ni Zairah.

Mabilis na umiwas ng tingin si Lei at Tana sa tanong nito. Napabuntong-hininga si Zairah sa inakto nila at mabilis na naintindihan ang gusto nilang iparating.

"As expected," walang ganang sambit nito.

"Don't worry. Nakakuha kami ni Raze," pagsingit ko.

Tinapunan ako ng tingin ni Zairah at sinenyas sa akin ang inn. "We can stay here for a while. Bayad na ang pag-stay natin diyan. Ipunin niyo na lang pera ninyo."

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon