27. Witnessed

28.6K 1.9K 248
                                    

WITNESSED

[Lei]

Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo kaagad. Sobra akong nataranta sa mga nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko 'yong spell na 'yon.

"Zairah! Nakita mo ba 'yong spell ko?-" Nakangiti akong humarap sa babaeng hila-hila ko sa pagtakbo.

Pero unti-unting naglaho ang ngiti ko nang makita kung sino ito.

"X-Xena?" nanlulumo kong sambit.

Tulad ko ay tumatakbo rin si Xena. Ang ipinagkaiba nga lang ay walang imik siya habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya at hila-hila siya. Sa kabilang banda ay parang nawalan ng kulay ang balat ko at hindi maipinta ang mukha.

Mabilis kong binitawan ang kamay niya nang matauhan ako.

"A-Ah sorry!" natataranta kong sambit. Napahampas na lang ako sa mukha ko sa sobra kong katangahan.

Shit. Masyado akong nataranta kanina at hindi ko namalayan na si Xena ang nahila ko sa pagtakbo.

Ang masama pa ay walang bakas na nakasunod sa amin si Zairah o kahit si Tana at 'yong kupal na si Raze. Tanging ang Disciple lamang ang nakasunod sa amin. The fifth place to be exact.

"Lei," tawag sa akin ni Xena.

Nawala ang pag-iisip ko nang tawagin ako nito. Nilingon ko siya at sinenyas niya sa akin ang lalaking nakasunod sa amin.

"May plano ako. Ilayo muna natin siya sa bayan. Baka may madamay na sibilyan," ma-awtarodidad na sambit ni Xena.

Tanging pagtango ang naisagot ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nanatiling kampante si Xena sa kabila ng nangyayari.

This girl is really something. Parang ibang-iba siya no'ng una ko siyang nakilala. Isang witch na hindi marunong gumamit ng portal.

"gatópardos," biglaang sambit ng Disciple na sumusunod sa amin.

Mabilis ko itong tinignan para makita kung ano ang ginawa niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sumalubong sa akin ang isang clay galing sa lupa na unti-unting namumuo. Namuo ito sa isang cheetah na agad na sinakyan ng Disciple.

"F-Fuck."

Hindi pa nagagawang lumingon ni Xena para tignan kung ano ang nangyari ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"poúma," ani ko.

Hindi clay kung hindi malambot na solidong materyal na galing sa lupa ang unti-unting namuo sa harapan namin. Isang malaking itim na pusa ang nabuo rito. It may not be sturdy like the clay but this is all I can do for now. Mabilis akong sumakay rito at sinunod si Xena.

"Dadalhin ko siya sa patag na lugar. Hindi ko alam kung anong plano mo para matalo siya pero pagkakatiwalaan kita. Kaya asahan mo, hindi ka niya mahahawakan hangga't nandito ako," seryoso kong sambit sa babaeng kasama ko.

Kahit hindi man lang ako kasing galing ni Zairah o kasing lakas ni Raze, hindi ako magiging pabigat kay Xena.

Alam kong hindi ko sineseryoso ang mahika dahil wala akong kahilig-hilig dito. Kaya rin siguro sumuko sa akin ang mga magulang ko at hinayaan na lang ako.

But even so, I'm still a witch. I can make spells. And as long as I can do magics, I can fight.

Nagpatuloy ang takbuhan namin ng Disciple. Hindi rin nagtagal ay nakalayo kami sa bayan at napunta kami sa patag na lugar. Kusang nawala ang puma na sinummon ko at huminto kami sa pagtakbo ni Xena. Tulad namin ay huminto rin sa pagtakbo ang Disciple na humahabol sa amin.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon