41. Descendant

25.9K 1.8K 95
                                    

DESCENDANT

[Xena]

Pareho kaming natigilan ni Raze sa narinig. Mabilis na naging alerto ang lalaking kasama ko sa sinabi ng babaeng kaharap namin.

Pero sa kabila ng naging reaksyon namin ay nanatiling kalmado si Haritha. She continued touching her wolf.

"H-How did you know that?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Hinawakan ako ni Raze at pumwesto ito sa harap ko.

"Sabi ko na nga ba. Disciple 'yan!" iritadong sambit niya.

Tumagal ng ilang minuto bago nagkaroon ng reaksyon sa amin si Haritha. Marahan itong tumawa at umiling.

"Sit down. Of course I know, simula pa ata nang makapagsalita ako ay bukambibig ko na ang pinakamagaling na witch sa kasaysayan."

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Tila natigilan ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makapaniwala.

Kumurba ang labi ni Haritha sa isang ngiti at humarap ito sa akin.

"You're Xena D. Astria right? The child who was born loved by magic," kaswal na sambit nito sa akin.

Kapwa kaming nabigla ni Raze sa sinabi niya. Unti-unting napaawang ang bibig ko.

"S-Sino ka? Paano mo nalaman 'yon?" Pagtataka ko. Nangungusap ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Imposibleng malaman niya ang tungkol doon. Ito pa lang ang pangalawang beses na pagkikita namin. At hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na usapan noon.

There's no way that she'd knew that.

Tumigil sa paghawak sa lobo si Haritha at hinarap niya kaming pareho ni Raze. She smiled.

"I didn't fully introduced myself,"

"I am Haritha D. Aleis. A descendant of a first witch," muling pagpapakilala ni Haritha sa amin.

Nanlambot ang katawan ko sa narinig at pakiramdam ko ay babagsak ako. Mabilis akong napaupo sa upuan.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

D. Aleis.

She really is a descendant of a first witch.

Tanging kaming mga witches lamang na lumaki sa kweba kung saan iba ang takbo ng oras ang may mga pangalan na gano'n. Kami ang mga naunang nakaalam ng mahika.

The first witches.

Nasagot nito ang katanungan kung bakit malapit siya sa lobo. Pati na rin ang unang pagkikita namin. Siya ang nagpakilala sa amin sa troll na hindi gusto ang mga tao.

"A-Aleis," sambit ko.

Pilit kong inaalala kung sino sa amin ang may gano'ng apelyido. Matapos mag-isip ay sumagi sa isipan ko kung sino ang may hawak ng pangalan na 'yon.

A woman's face popped in my mind. A woman with a tan skin, long green hair... and emerald eyes.

"E-Esmeralda D. Aleis. You're a descendant of Esmeralda D. Aleis," muling sambit ko.

Nakangiting tumango sa sinabi ko si Haritha. "Yup!" masiglang sagot niya sa akin.

Doon ako natauhan. No wonder why her eyes were familiar. She have the same eyes as Esmeralda.

Just like me, kasabay kong mag-aral at matuto ng mahika si Esmeralda. But she's 5 years older than me. Kaya nauna itong umalis sa kweba kaysa sa akin.

She left 1 year ago. That means...

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon