8. Howling woods

34.3K 2.1K 264
                                    

Howling woods

[Tana]

Kahit na natatakot, wala akong nagawa kung hindi sumama kay Xena papunta sa Northern border ng Bernice. Sa likod ng border na ito ay ang howling woods, ang pugad ng mga lobo.

Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko at ang pagiging sensitibo ng pandinig, pang-amoy, at paningin ko.

"L-Let's just go back Xena. Isang subject lang naman 'yon. Pwede pa tayong bumawi," sambit ko sa babaeng kasama ko. Pabago-bago ang isip ko sa pagsama.

Pilit akong tumawa para makumbinse ko si Xena ngunit hindi man lang ako nito pinansin. Bagkus ay dere-deretso itong lumabas sa border at pumasok sa howling woods.

Nang makatawid siya sa border ay mabilis niya rin akong hinila papasok sa loob ng gubat.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tumayo pa nang tuwid o maglakad lang man.

Nasa loob na 'ko ng howling woods. Hindi na 'ko makalalabas ng buhay-

"Stop it, Tana," Suway sa akin ni Xena, nang makita nitong walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko.

Sinubukan kong sundin siya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang maihinto ang panginginig ng mga kamay ko.

Alam kong sinabi sa akin ni Xena na magtiwala ako sa kaniya pero hindi ko mapigilang kabahan. Kahapon ko pa lang nakikilala si Xena. Tama ba na ipagkatiwala ko na ang buhay ko sa kaniya?-

Mabilis kong iniling ang ulo ko upang mawala ang mga pagdadalawang isip sa utak ko.

She told me that I could trust her. So I will. Isa pa, para sa aming dalawa ang pinunta namin dito. Hindi pwedeng iasa ko lang kay Xena ang pagkuha ng Mullein herb.

Nanatili akong nakasunod kay Xena habang papunta kami sa gitna ng gubat. Unti-unting nagdidilim ang paligid at hindi ko na magawang makita pa ang pinanggalingan namin.

Nararamdaman ko na ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Napahawak ako sa braso ni Xena at mas lumapit pa rito.

Kabaliktaran ko ay walang bakas ng takot sa mukha ni Xena.

It really makes me wonder. Bakit ba walang takot sa mga creatures si Xena? Bagkus ay malapit pa ang loob niya sa mga ito.

Pati na rin ang mga spells na ginagamit niya ay hindi basta-basta. Ang tanging sinabi niya lamang sa akin ay natutuhan niya lamang 'yon sa naging Teacher niya.

If she have a Teacher, then does that mean that she's also a noble like Zairah and Leirus?

Pero bakit hindi ko siya kilala? I mean, kung isa nga siyang anak ng kilalang tao ay dapat lang na kilala ko siya dahil isang magaling na witch si Mama at marami siyang koneksyon.

Just who is she anyway?

Napatingin sa akin si Xena nang sabunutan ko ang sarili ko dahil sa kaiisip. Balak sanang magsalita nito nang pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng alulong.

Namilog ang mga mata ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Xena. Nanginginig nang sobra ang katawan ko at pakiramdam ko ay kahit anong oras ay maiiyak ako.

Ilang segundo pa lang ang lumipas nang makarinig kami ng alulong ay napansin na namin ni Xena ang pagsidatingan ng mga lobo. Nagsimula na itong paikutan kami. Naririnig namin ang bawat pagtama nila sa mga dahon at maliliit na sanga.

Mas lalo kong inisiksik ang sarili ko sa tabi ni Xena. Para akong maiihi sa skirt ko nang sunod-sunod na sumugod sa amin ang mga lobo.

"A-Ah!"

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon