1. Mageía High

69K 2.3K 426
                                    

MAGEÍA HIGH

[Xena]

"Sigurado ka na bang aalis ka?"

Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin. Ang lalaking nakasama ko nang matagal na panahon sa lugar na ito.

"Of course, kailangan," nakangiting sagot ko.

Tipid itong ngumiti sa akin bago ibigay ang mga gamit ko. "Mag-iingat ka Xena, iba na sa labas ngayon."

Tumango ako sa sinabi niya. "Yes, I will, salamat sa lahat at hanggang sa muli."

Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako rito bago umalis sa naging tirahan ko ng ilang taon.

Kailangan kong umalis. Para 'yon sa ikabubuti ng lahat.

Sinasalubong ako ng mga hamog at malamig na hangin habang naglalakad. Mabuti na lang at may suot-suot akong itim na cloak na nagsisilbing pantaklob ko.

Hindi pa gaanong umaangat ang araw kaya napupuno pa ng hamog ang paligid.

Dumeretso ako sa capital ng city. Kahit matagal na 'kong hindi nakalalabas ay alam ko pa rin na nasa capital ang mga portals.

Yes, portals. Every city has their own portals, para makapunta sa iba't ibang lugar. Ang pagkakaalam ko ay isang portal lang ang meron sa city na 'to. Gretta is just a small city anyways.

Kaya maaga akong umalis para hindi ako mahirapang gumamit ng portal. Sigurado akong mamaya ay marami na ring mga tao ang pupunta rito para gumamit at ayokong makigulo sa kanila.

Nang makarating ako sa capital ay wala pang gaanong tao. Mga sibilyan lamang na nag-aayos ng mga paninda ang kadalasang maagang gumigising dito.

Rinig ang pagwawalis ng iba ng mga nagsihulugang dahon, ang iba ay nag-aayos ng mga paninda, at ang iba naman ay maagang nagsasabit ng mga damit sa sampayan.

Mabuti naman at hindi ako mahihirapang gamitin ang portal.

Naglibot ako sa capital para hanapin ang portal. Paikot-ikot ang paningin ko sa paligid habang nakakunot ang noo.

Alam kong nandito ang portal pero hindi ko alam kung saan mismo ang pwesto. Ganito ba kapag matagal ng hindi nakalalabas?

Sa paghahanap ay nakuha ng atensyon ko ang fountain sa gitna mismo ng capital. Isang estatwa ng babae ang nasa gitna nito. Mabilis na lumiwanag ang ekspresyon ko nang makita ang estatwa.

That's it! I found it!

Ang estatwa na 'yon ang nagsisilbing palatandaan.

Napangiti ako sa sarili ko at lumapit doon. Sa wakas ay nahanap ko na rin-

Bago ako makahakbang papalapit ay natauhan ako. Nawala ang ngiti sa labi ko nang may mapagtanto akong bagay.

Shit! I forgot the spell!

Napasabunot na lamang ako sa sarili ko. Ilang taon akong hindi lumabas at hindi rin gumamit ng portal. For pete's sake!

Ang pagbukas ng portal ay isa sa mga basic magic. It's a Rank F spell. Kahit mga éxi ay marunong gumamit nito.

"Ano? Hindi 'yan bubukas kung tititigan mo lang." Rinig kong sambit ng isang babae.

Pasimple akong napaismid sa sinabi ng babaeng nasa likod ko. I can see her at the corner of my eyes.

She has an ash hair and brown eyes. Her skin is white as snow and her cheeks are red as apples. Kapansin-pansin ang marangyang damit na suot niya. Mayroon din siyang mga suot na porselas.

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now