42. Frencide

26.6K 1.5K 90
                                    

FRENCIDE

[Zairah]

"Fotiá," bigkas ko.

Lumabas ang apoy at tumama ito sa pader ng silid na kinaroroonan ko. Pero tulad ng mga naunang nangyari. Walang gasgas man lang na natamo ang pader.

Kahit saang pwesto ko pa ito patamain ay walang nagbabago. Mukha ngang napalilibutan ng mahika ang buong kastilyo na 'to.

Napaismid na lamang ako sa inis.

It's already been four freaking days.

Four days.

Mamayang gabi. Mamayang gabi na ang blue moon.

Pero heto ako ngayon. Nasa pinakamalaking kastilyo sa bayan ng Frencide.

Dito kami dinala ng grupo ng mga witches na kumuha sa amin. At apat na araw na mula ng mangyari iyon.

Pero wala pa rin akong balita kina Xena...

Hindi ko sila nakita rito. Unang-una sa lahat ay imposibleng madala rin nila rito sina Xena. Hindi hamak na mas malakas ang babaeng iyon kaysa sa kanila. Lalo na't kasama niya pa si Raze.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit nawala na lang sila bigla. Ngayon na ang araw na kailangan naming mahanap ang Grimoire. Pero ni anino nila ay hindi ko makita.

Narinig kong bumukas ang pinto. Mabilis akong napatingin sa pumasok sa silid.

"Pagkain mo," sambit ng isang lalaki sa akin.

Matalim ko siyang tinignan habang pinapasok niya sa silid ang pagkain ko.

"So, have you made up your mind?-"

"Fuck off. My answer is still the same. I don't have any intentions to join you," mariin na sagot ko. Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.

Kumurba ang labi ng lalaking kaharap ko sa isang ngisi. "Suit yourself," sagot niya.

Muli itong lumabas at ni-lock ang pinto mula sa labas. Napaismid ako sa inakto niya.

Every single time that someone enters this room, they kept asking me a question. Paulit-ulit ang mga tanong nila.

They're asking me to join them. To worship their so called Lord. And to support the first Disciple.

Of course, there is no way that I'll join them.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Hinihintay ko pa rin sila. Sina Xena...

Napunta ang tingin ko sa bintana ng kastilyo. I don't know what freaking happened to Frencide.

Mula nang dinala kami rito ay wala pa akong nakikitang ni isang sibilyan. Bagkus ay mga taong myembro ng grupo ng 12 Disciples ang mga nakikita ko.

Nakahakot sila ng maraming witches at naging tagasunod nila ang mga ito.

Ang isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala akong nakikitang galaw mula sa council.

Isa lang sa mga teorya ko na baka natalo sila, o sumama na rin sila sa mga Disciples. Wala rin naman silang ipinagkaiba sa kanila. Mga uhaw lang din sila sa kapangyarihan.

Kaya alam ko na kapag umabot sa kasukdulan ay sasapi sila kung sino ang mas malakas.

Hindi man lang nila inisip ang mga sibilyan dito sa Frencide. Freaking bastards.

Napunta ang tingin ko sa langit. Maliwanag pa. Pero alam kong oras na lang ang meron kami. Hindi pa kami sigurado kung nasaan ang Grimoire.

Ang pagkakaalam ko ay nandito ngayon sa kastilyo ang First Disciple. Dahil dito sa Frencide gaganapin ang spell na sinasabi nila.

Ang spell na magbabago raw ng mundo ng mahika. Ang spell na hindi pa raw nakikita ng kahit sino.

I even heard that it's even greater to Astria's spells.

Which is nonsense.

Astria's spells were the Cipher spells. Siya ang gumawa ng mga bagay na imposible. Sa kaniya nagmula ang mga bagay at kaalaman na hindi pa nalalaman ng iba.

She's the greatest witch of all time.

And I will believe in her.

I always did.

Hindi ko maisip kung ano nga ba talaga iyon. Pero sigurado akong wala iyong binatbat sa mahika ni Xena.

She made the Grimoire of Astria after all. She's the child who was born loved by magic.

Pinagdadasal ko nga lang na makarating na sila rito ngayon. Kung nasaan man sila. We can't afford to lose hope now.

I'm pretty sure that tonight.

Will be listed down in history.

That's why I'll also do my best here.

Habang nag-iisip ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang dalawang kasama kong dinala rin dito. Tana and Lei are also here in this castle. Pero hindi ko alam kung nasaan sila banda.

Sigurado akong kinakabahan din sila sa mga nangyayari ngayon. Lalo na't wala pa rin kaming balita kay Xena at Raze.

But I'm pretty sure that they can handle it.

Matagal-tagal din ang pinagsamahan namin. Alam kong malaki rin ang tiwala nila kay Xena at Raze. Sigurado akong naniniwala silang makararating sila ngayon.

They trust her-

Nawala ang mga nasa isip ko nang bumaba ang tingin ko sa bayan at mapako ang tingin ko sa dalawang pamilyar na tao sa labas ng kastilyo.

Unti-unting napaawang ang bibig ko sa nakikita ko at hindi ako makapaniwala. I paused for a moment, still processing what I just saw.

Pumikit pa ako at huminga nang malalim bago imulat ulit ang mga mata ko.

I must be hallucinating.

Yes...

Masyado lang madami ang nasa isip ko ngayon kaya siguro kung ano-ano na ang nakikita ko.

Muli akong sumilip sa bintana para tignan na nagkakamali lang ako pero nabigo ako. Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko at ang pag-igiting ng bagang ko.

Lei and Tana.

Those two fucking idiots are fucking wearing cloaks the same as the members of the Disciples.

May mga dala-dala silang boxes at kasama rin nila ang ibang tagasunod ng mga Disciples.

"W-What the fuck?!" iritadong bulong ko sa sarili ko.

Napahawak ako sa salamin ng bintana habang nakatingin ako sa dalawang kasama ko.

Never mind what I've just said!

Those fucking stupid idiots joined the freaking Disciples!


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now