31. The greatest

28.6K 1.8K 285
                                    

THE GREATEST

[Xena]

Kahit anong pilit ko. Kahit itatak ko pa sa utak ko na patay na siya—na hindi siya ako.

Hindi ko matatakasan ang katauhan ko. I am Astria. I own the Grimoire that can destroy the world.

I am Xena D. Astria.

A child who was born loved by magic.

Hindi maipinta ang mukha ng Disciple na kaharap ko. Sa huling pagkakataon ay nagawa nitong ngumiti. Kahit unti-unti ng naagnas ang buong katawan niya ay nagawa niya pa ring lumapit sa akin.

Marahan niyang hinawakan ang mga paa ko. She gave me a look as if I'm her salvation. "M-My God.... My savior.... Until my last breath. I will worship you," huling sambit ng Disciple sa akin.

Tuluyan na itong naglaho at sumabay sa paghampas ng hangin ang mga abo niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

My dream was to be the greatest witch of all time. But not like this.

Kaya isinawalang bahala ko na ang pangarap ko at itama ang pagkakamali ko. All I wanted was for the better. But what I made would be the reason of the destruction of the world I wanted to save.

"Xena..." Rinig kong sambit ni Tana.

Natauhan ako sa narinig ko. Muli akong bumalik sa katinuan at sa isang iglap, muli akong nawala sa madilim na lugar na nasa isip ko. Mabilis na napunta ang tingin ko sa mga kasama ko.

Halo-halo ang mga ekspresyon nila. Lalong-lalo na si Raze.

"T-That was a Cipher Spell," hindi makapaniwalang sambit ni Zairah.

"Paano mo nagawang gumamit ng Cipher spell?" dagdag nito.

Napaiwas ako ng tingin at hindi ko magawang makatingin nang deretso sa kanila. Nanatili akong nakayuko.

"That was great Xena! I-I know you can do it!" masiglang sambit ni Tana. Sapilitan nitong pinakita sa amin na masaya siya—trying to lighten up the mood.

"I-I mean you-"

"What did you just said?" walang kaemo-emosyong sambit ni Raze.

Natigilan si Tana sa pagsasalita nang sumingit si Raze rito. Deretso itong nakatingin sa akin at hinihintay akong magsalita.

"The greatest witch of all time?" sarkastikong aniya.

"Y-You're Astria?"

I heard his voice cracked. At the same time, I felt my heart cracked also.

"C-Come on, baka mali ka lang ng narinig. I mean, I'm stupid but that's not possible, right?" pagsingit ni Lei.

Kahit walang tigil sa pagdugo ang balikat niya ay nagawa pa rin niyang ngumiti.

"Hindi ba sinabi sa klase natin na imposibleng totoo si Astria? A-And if she is, she's over a hundred now!" natatawang dagdag ni Lei. Like Tana, he's also trying to lighten up the mood.

Walang nakasagot sa sinabi niya. Balak sanang magsalita ni Zairah nang unahan ko ito.

"I am Astria."

Humampas nang malakas ang hangin. Tanging ang tunog ng mga insekto sa gubat ang nagsilbing tunog habang ang buwan at ang paubos na apoy ang nagsisilbing liwanag.

Natigilan ang mga kasama ko sa narinig. Nanatiling tahimik at walang emosyon si Raze.

Dumeretso ang tingin ko sa kanila at seryoso ko silang tinignan.

"I own the Grimoire of Astria," muli kong sambit.

Napaawang ang bibig ni Lei sa sinabi ko. Sa kabilang banda ay nagbago ang mga ekspresyon nina Zairah at Tana pero nanatili silang nakinig sa akin.

"I was born and raised in Gretta. I lived in a special cave—together with my Teacher and fellow witches. But most of them left when they're old enough," pangunguna ko.

"Pero iba ang takbo ng oras sa loob ng kweba na 'yon. A month inside that cave is equivalent to 12 years outside."

Everyone was dumbfounded—they don't know if they should be amaze, scared, happy, or sad. I can't read their expressions. But still, I continued talking.

"I'm just 17 years old. But in your time, maybe I'm almost 2,448 years old," muli kong sambit.

"Kung sa oras ninyo ay 36 taon na ang lumipas nang makita ang Grimoire. Para sa akin ay tatlong buwan pa lamang itong nawawala."

"So? Anong pinupunto mo?" biglaang pagsali ng isang boses. "Ginamit mo lang ba kami? Para makuha mo ulit 'yang walang kwenta mong libro?" sarkastikong sambit ni Raze.

Ang kaninang tahimik na lalaking kaharap ko ay sinimulan na 'kong barahin. Deretso akong tinignan ni Raze sa mga mata.

"Tell me, Xena D. Astria. Why do you want to find the Grimoire? Is it really to destroy it? O gusto mo lang makuha ulit ang mga spells na dapat lang sa'yo?"

There's a hint of sadness in his angry voice.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilang masaktan habang tinitignan ako ni Raze. It's not the same as when he looked at me before.

Even though he has an angry expression... his eyes are showing me the opposite—sadness.

"The Grimoire was stolen from me Raze. I have no intention of letting any witch use it, if it's not for good purposes," mariin na sagot ko.

"Then why did you made it in the first place? Para ba ipagmukha sa iba na matalino ka? Na ikaw ang pinakamagaling? Hindi mo ba inisip ang mga pwedeng mangyari?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Raze.

"That's why I'm freaking here. To fix my mistake! To destroy the Grimoire!"

No one dared to talk. Walang sumali sa batuhan namin ng salita ni Raze.

"Pero sana sumagi sa isip mo. Na kahit masira mo ang Grimoire, hindi mo na maibabalik ang mga buhay na sinira mo."

Hindi ko nagawang makasagot kaagad sa sinabi ni Raze. I was taken aback, my face softened. Tanging pagyuko na lamang ang nagawa ko at ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao ko.

"Just let me finish my task..." I said the first thing that came into my mind. "After that, you can do anything to me."

Umangat ang tingin ko—nagtama ang mga tingin namin ni Raze.

"Kill me if you want to."

Mariin na nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

"But for now, don't interfere. I don't want distractions."

May halong pagbabanta ang huling mga salitang binitawan ko.

Naglakad ako sa gilid nila at dinaan sila ng walang binabanggit na salita. Ang huling hihilingin kong mangyari ngayon ay ang ilabas sa akin lahat ni Raze ang lahat ng sama ng loob niya sa akin.

Hangga't maari ay gusto kong manatali ang pagsasamahan namin hanggang matapos ko ang tungkulin ko. Pero ngayon ay alam ko ng imposible 'yong mangyari.

I am Astria.

The reason why his parents got killed.

And the person he hated the most.

Kahit anong isipin kong paraan ay alam kong hindi niya 'ko mapapatawad. Hindi ko rin naman na hinihiling na mapatawad niya 'ko.

I don't even deserve his forgiveness.

So for now, I should be only focusing on my task.

To find who took my Grimoire and destroy it.

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now