24. Last Town

29.1K 1.8K 25
                                    

LAST TOWN

[Zairah]

Tanging pag-ismid na lamang ang naisagot ko sa sinabi ni Xena. Hindi siya 'yong tipo ng taong nagsisinungaling. So, I guess I should trust her words for now....

Apat na araw kaming naglakad sa parang walang katapusan na gubat na pagitan ng mga borders ng kada-bayan. Hindi ko napansin ang mga araw hanggang sa matagpuan na lamang namin ang mga sarili namin sa tapat ng isang border.

"We're freaking here," kumento ni Raze.

Nakahinga ako nang maluwag nang nakarating kami sa border ng walang problema. Ito ang huling bayan na dadaanan namin bago makarating sa bayan ng Frencide.

"Gaano ba katagal tayong nasa gubat na 'yon?" reklamo ni Lei.

"Ilang araw na lang bago mangyari ang blue moon?" marahang tanong ni Xena.

Nag-isip muna ako bago sumagot. Mula no'ng araw na umalis kami sa Mageía High hanggang ngayon-

"Anim na araw," sagot ko.

Napaismid si Raze sa sagot ko. "Tatagal pa ng halos tatlo o apat na araw bago tayo makapunta sa Frencide kung dadaan tayo sa border."

"Kaya nga wag na tayong mag-aksaya ng oras dito," sarkastikong sagot ko.

Nauna akong maglakad sa kanila sa border at sumunod sila sa akin.

"N-Nga pala, anong pangalan ng bayan na 'to?" biglaang tanong ni Tana.

Natigilan kami sa tanong niya. Nawala sa isip ko ang tanong 'yon. Pare-pareho kaming nagkatinginan ng mga kasama ko na kapwa ko ay hindi rin alam ang pangalan ng susunod na bayan.

"H-Hindi sumagi sa isip ko ang tanong na iyon. Ito ang unang beses na pupunta ako sa bayan na 'to," sagot ko, pilit na kaswal na magsalita. "Pero ang balita ko ay normal lang naman ang bayan."

I tried to talk calm, even though I suddenly felt uneasy.

Kahit alam kong nakararamdam din sila ng kaunting kaba, hindi na sila nagtanong pa ulit sa akin. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Sunod-sunod kaming tumawid sa border at bumungad sa amin ang isang hindi kalakihang bayan. Walang mukhang bago sa bayan na 'to pero sobrang kataka-taka na wala man lang kaming makitang ni isang sibilyan.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami sa capital. Doon namin nakita ang dahilan kung bakit wala kaming makitang mga sibilyan sa paligid.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko. Nasusunog ang capital ng bayan na ito. Basag-basag ang mga salamin at mga paso, punit-punit at sira-sira ang mga kagamitan.

Kapwa kong mga witches ang sumusunog ng mga bahay. Wearing black cloaks and hoodies, enough to hide their faces.

Sa kanilang lahat, nangibabaw ang tatlong hindi nakasuot ng mga cloaks.

Dalawang lalaki, a man that looks like he's on his mid 40s, and guy on his mid 30s. At isang babaeng mukhang hindi tataas sa limang taon ang tanda sa amin.

Agaw pansin ang mga numerong nakatatak sa iba't ibang parte ng kanilang mga katawan.

5. 8. 12.

At that moment, the same as this small city—it felt like my hope got destroyed too.

"The Disciples," mahinang sambit ni Xena.

Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang tuminis ang pandinig ko, sa parehong pagkakataon, bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Hindi na ito tulad ng nakaharap naming myembro ng 12 Disciples.... Tatlo na sila ngayon.

At isa sa kanila ay panlima ang numero. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakadelikado.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon