20. Suicide

28.4K 1.8K 113
                                    

SUICIDE

[Tana]

Sobrang bigat ng paghinga ko at kanina ko pa pinipigilang umiyak. Walang tigil ang pagtulo ng pawis ko. Nakatali ako ngayon sa isang upuan at napalilibutan ako ng pitong katao.

Wala akong maalala kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. As far as I can remember is that I'm walking with Xena and Raze. Nauuna sa harapan namin sina Lei st Zairah.

Pagtapos ay may nadaanan kaming grupo at bigla akong nakaramdam ng antok. Paggising ko na lang ay nandito na 'ko.

"Tsk. Ano bang mapapala natin diyan? Parang wala namang espesyal diyan eh." Rinig kong reklamo ng isa sa mga taong nandito.

Nanlumo ako nang makita ang itsura niya. Isa siyang lalaking mukhang hindi kalayuan ang edad sa amin, pero tadtad na ng mga tattoo ang katawan niya.

Kahit nakatali ako ay nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan.

Oh God, please help me!

"Oo nga Nine! Hindi naman tayo kikita riyan!" dagdag ng isang babae.

Pare-pareho silang nakatingin sa lalaking tinawag niyang nine. Ang lalaking pinakakaiba ang aura sa kanilang lahat. I suddenly felt the chills down on my spine.

Namumuo na ang mga luha sa mata ko at tanging pagtingin na lang ang nagagawa ko sa lalaking tinawag nilang Nine.

Xena... help me, please...

"Oh! May malay na 'yong babae!" sambit ng isang lalaki.

Natauhan ako sa sinabi niya. Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin. Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Mga noble ang kasama nito hindi ba? Bakit hindi na lang natin siya ipatubos sa mga 'yon?" marahang tanong ng isa sa mga babae.

Lumapit sa akin ang lalaking tinawag nilang Nine at pinagmasdan ako.

"Walang pakielam ang mga taong gano'n sa kapwa nila. Hindi sila mag-aaksaya ng isang sentimo sa babaeng 'to," walang kaemo-emosyon niyang sambit.

Nagsitawanan ang mga kasama niya sa sinabi niya. Pero ang lalaking kaharap ko ay nanatiling seryoso ang ekspresyon.

"Oo nga! At isa pa! Hindi na nakakaaalala ang mga tangang 'yon! Gamitan ba naman ng Cipher spell ni Nine eh!" natatawang sambit ng isang lalaki.

Tila nabingi ako sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Dahan-dahan napunta ang tingin ko sa lalaking nangangalang Nine—puno ng takot ang mga mata. Doon may sumagi sa isip ko.

The twelve Disciples of Astria.

Don't tell me-

Na ang lalaking kaharap ko ay kabilang sa kanila?

Ang ibig sabihin ay nagagawa ngang makagamit ng mga Disciples ng Cipher spells?

Pero paano?! Nasa Grimoire ni Astria ang mga spells na 'yon! Paano sila nakakuha ng kopya?!

Or-

Totoo nga kayang mga Disciples sila ni Astria? Totoo kaya ang mga salitang kinakalat nila na gusto ni Astria na ang mga witches ang mamuno sa mundo?

Pero hindi...

Hindi gano'ng klase si Astria. Ang gusto niya lang ay ang makabubuti sa mundo. Hindi siya sakim sa kapangyarihan...

Pero paano kung katulad din siya ng mga taga-council?

"So ano gagawin natin diyan?" biglang sambit ng lalaking puno ng tattoo.

Nawala ang mga iniisip ko sa sinabi nito at mabilis ko siyang tinapunan ng tingin. Hinintay ko ang mga sasabihin ng mga kasama niya nang bigla na lamang kumalabog ang pintuan.

Lahat kami ay natigilan at nabigla sa biglaang pagkalabog ng pinto. Hindi lamang isang beses ito kumalabog kung 'di paulit-ulit.

Bakas ang pagkainis sa mukha ng mga taong nandito pwera na lang sa lalaking nangangalang Nine—nanatili siyang walang ekspresyon.

"Sino ba 'yan?!" iritadong sambit ng babae.

Balak na niya sana itong buksan nang kusa itong bumukas mag-isa. Hinintay namin at inabangan ang taong nasa likod ng pinto pero walang bumungad sa amin.

Tanging hangin lamang ang sumalubong sa aming lahat nang bumukas ang pinto.

"Eh?" pagtataka ng babaeng malapit sa pintuan.

Kahit ang atensyon ni Nine ay napunta rin sa pintuan na walang tao. Saan nanggaling ang malakas na kalabog?

"Tsk, ano ba-"

Hindi na naituloy ng isang lalaki ang sasabihin niya nang may kumalabog muli sa bubong at nabutas ito. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay sunod-sunod ng nagsituluan.

"X-Xena!" naiiyak na sambit ko.

Sabay-sabay nanggaling sa bubong si Xena kasama sina Raze, Lei, at Zairah.

Nag-iinat ng leeg si Lei at bakas sa mukha ni Raze ang pagkainis.

"Ayoko sa lahat, 'yong ako 'yong ginagamitan ng spell eh," naiinis na sambit ni Raze.

"Masyado niyo atang minamaliit ang isang noble," dagdag ni Lei.

"Shut the fuck up freak, ni hindi mo nga napansin!" sagot ni Zairah dito.

"I can't believe that I didn't noticed it at all," kumento ni Xena.

Parang nanaginip lang ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko inaasahan na pupuntahan talaga nila ako rito. Ang tingin ko lang ay pabigat ako sa kanila dahil saling-kitkit lang ako.

Alam kong mas magaan ang paggalaw nila kung wala ako. Pero pinili nila akong puntahan at hindi nila ako pinabayaan.

"Imposible! Paano nila nagawang makawala sa spell na 'yon?! Tanging kapwa Rank na gano'n lang o Rank SS ang makakaalis n'on!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga dumukot sa akin.

Tumaas ang kanang kilay ni Zairah sa sinabi nito at humakbang papalapit. "I used a Rank SS Spell. Any problem with that?" taas noong sambit niya.

Napaawang ang mga bibig ng mga taong nandito. Kahit si Nine ay tumalim ang tingin.

Kung ang Cipher Spells ang pinakamalakas at mahirap na spell na tanging sa Grimoire lamang ni Astria nakikita, ang mga Rank SS Spells naman ay tanging mga myembro lamang ng councils ang nakakaalam o mga makakapangyarihang nobles.

As expected to a tría and a student of Aeros. Zairah really is a great witch.

"Ang akala ko ba mga estudyante lang 'yan? Bakit marurunong na silang gumamit ng gano'ng spells?!" inis na sambit ng isa sa mga dumukot sa akin.

"Who freaking cares?! They're just brats! We're born with talents! Hindi natin kailangan ng eskwelahan para matuto! At isa pa, kasama natin si Nine. Wala tayong problema," sagot ng isa sa kanila.

Natauhan ako sa sinabi nito at bumigat muli ang paghinga ko. Nakaramdam ako ng kaba. Nag-aalala akong tumingin sa mga kasama ko.

"May kasama silang myembro ng 12 Disciples! Hindi sila basta-basta!" pagbabala ko sa mga kasama ko.

Imbis na kabahan ay mas lalo pang nairita ang mga mukha nina Raze at Lei. Sa kabilang banda ay humakbang papalapit sa amin si Xena na walang bakas sa mukha ang takot.

I was taken aback when I saw her expression—stunned. Sa oras na 'to, parang napagtanto ko ang mga dahilan kung bakit gano'n umakto ang iba sa babaeng kaharap ko.

The trolls... the wolves... even an énas witch. All of them acted different after facing—seeing, Xena.

I can't believe that I became her friend.

"You hurt my friend. I guess you want to commit suicide."


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now