34. Back in time

28.3K 1.6K 57
                                    

BACK IN TIME

[Xena]

Hindi ko magawang maipalawanag kay Raze mabuti ang nangyari. Dahil ako mismo ay naguguluhan.Wala akong alam spell na gano'n. Paniguradong sariling spell 'yon ng witch na gumawa nito sa amin.

Ang malala pa ay hindi ako makagamit ng kahit anong spell sa panahon na 'to. I glanced at my hands.

I don't... feel any magic at all.

"H-Hey, what do you mean?" naguguluhang sambit ni Raze.

"I-I also don't know."

"But for now, we can't use spells and magics."

Kahit kinakabahan din at nagtataka, pinilit kong ipakita na hindi ako gaanong namomroblema. Huminga ako nang malalim at tumingin sa lalaking kaharap ko.

"Basta, magpagaling ka. Maghahanap ako ng paraan para makabalik tayo."

Alam kong may atraso pa 'ko kay Raze. Kaya ayoko pang madamay siya rito. Sigurado akong ang witch na gumawa nito ay ang may hawak ng Grimoire ko.

Alam na siguro niya ngayon ang plano ko at gusto niya 'kong pigilan sa pagkuha ulit ng libro ko.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa harap ng pinto.

"I'll go check on something. Take a rest."

Hinawakan ko ang doorknob at akmang palabas na nang may pahabol na sinabi si Raze.

"Xena..."

Napatingin ako sa kaniya at mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"N-Nothing."

Isang pilit na ngiti ang sinagot sa kaniya bago ako dumeretso sa paglabas. Naabutan ko si Isabel at ang nakababatang kapatid niya na si Marco.

"Maraming salamat, Isabel," pagpapasalamat ko rito.

Silang dalawa ng kapatid niya ang una kong nakita at nahingan ng tulong nang makarating kami rito. Hindi man lang sila nagdalawang isip na tulungan kami kahit hindi sila gaanong nakaaangat sa buhay.

It's just her and her brother who lives here. They told me that their parents were both working in Frencide to raise them.

Hindi ito tulad ng nakasalukuyan na may mga portals na. Sobrang layo ng Frencide mula sa Gretta kaya hindi sila gaanong nagkakasama ng mga magulang nila ni minsan lang.

"Walang ano man Xena. Masaya kaming makatulong. Bukas ang bahay namin para sa inyo," nakangiting sagot sa akin ni Isabel.

"Maraming salamat ulit. Kayo na muna ang bahala sa kasama ko. Maghahanap lang ako ng mga kakailanganan namin para makabalik."

Ngumiti ito sa akin at tumango. Ang pagkakaalam nina Isabel ay pareho kaming dayuhan ni Raze. Inatake si Raze ng isang oso habang papunta kami rito sa Gretta.

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang masiglang bayan ng Gretta. Ibang-iba ito sa bayan na alam ko ngayon. Siguro nga ay malaki talaga ang nagbago lalo na't isang libong taon na ang lumipas.

1600 years to be exact.

Paano ko nalaman? Simple lang. Hindi pa marunong gumamit ng mga mahika ang mga tao. Walang ni isa sa mga mamamayan dito ang nakikita kong gumagamit ng spell.

Base rin sa pananalita at damit nina Isabel ay sigurado akong bumalik kami ni Raze ng isang libo at anim na daang taon sa nakaraan. At syempre, tinama ng kalendaryo ang hinala ko.

Paniguradong pinagisipan talaga nang mabuti ng witch na gumawa nito kung saan panahon kami dadalhin.

Pinagmasdan ko ang masiglang bayan ng Gretta. Walang ni isa sa kanila ang nakagagamit ng mahika, pero bakas sa mga mukha nila ang saya.

Men are lifting heavy objects while in the present time, using magic, you can lift anything. Pahirapan ang mga taong gumawa ng apoy gamit ang kahoy at bato samantalang kayang-kaya na itong gawin sa kalasukuyan gamit ang mahika.

Naglalakbay sila nang sobrang tagal at sobrang layo para lang makapunta sa kabilang bayan. Pero sa panahon na pinanggalingan ko, hinding-hindi ka na mapapagod sa paglalakad dahil sa paggamit mo ng portal.

Hindi ko mapigilang mapaisip nang malalim. Kahit sa hirap ng buhay sa nakaraan, bakas sa mga mukha ng mga mamamayan na masaya sila.

Na kahit wala ang mahika ay kaya nilang mabuhay. Kaya nilang gawin ang mga bagay na mahihirap kahit walang tulong ng spell.

Hindi kaya mas nakabubuti na lang na ganito?

Tama ba talaga ang desisyon ko?

Gumawa ako ng Grimoire na naglalaman ng mga spells na alam kong makatutulong sa mga tao. Dahil alam kong mas mapadadali ang mga gawain nila kapag ginawa ko iyon.

But then it hit me. No one asked me to do that. They didn't asked for my help. They can do things on their own.

Kumilos lang ako para sa sarili ko. Hindi kaya tama ang sinabi sa akin ni Raze? Na kaya ko lang ginawa ang Grimoire dahil gusto kong ipamukha na matalino ako. Na may kaya akong gawin.

Pero hindi...

Gusto ko lang makatulong...

Because I wanted to be the greatest witch of all time...

"Oh, binibini!" Rinig kong sambit ng isang matandang lalaki.

Nawala ang mga iniisip ko nang lumapit ito sa akin at inabutan ako ng isang candy.

"Oh! Pasensya ka na at iyan lang ang mabibigay ko sa'yo. Marami kasing ginagawa ang mga tao sa bayan ngayon," nakangiting sambit ng matanda.

Nabigla ako sa ginawa nito at dahan-dahang kinuha ang candy. "S-Salamat po," biglaan kong sambit.

"Isa kang dayuhan hindi ba? Maliit lang ang bayan ng Gretta kaya mahahalaga sa amin ang mga bisita. Pasensya na at hindi namin kayo maasikaso," pagpapaumanhin ng matanda sa akin.

Mabilis akong umiling sa sinabi niya. "A-Ah hindi po! Malaking pasasalamat na namin dahil tinanggap niyo kami sa bayan kahit isa kaming mga dayuhan."

Muling ngumiti ang matanda sa akin sa sagot ko.

"Oh sya, kailangan ko ng tumulong. Sana ay magustuhan niyo ang pananatili sa bayan. Tamang-tama ang pagpunta niyo rito."

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "B-Bakit po? Ano pong meron?" marahang tanong ko.

Nabigla ang matandang lalaki sa sinabi ko na para bang may sinabi akong mali.

"Ha? Hindi niyo ba alam?" hindi makapaniwalang sambit ng matanda sa akin. Naapangat ang dalawa niyang kilay.

"Sabagay, siguro ay ngayon mo lang ito narinig."

Hindi ko mapigilang maguluhan sa sinasabi niya. Lumapit ito sa akin at itinuro ang capital ng Gretta.

"Bukas ay may gaganaping pyesta," sambit sa akin ng matanda.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Isa pong pyesta?"

Tumango ang matanda sa sinabi ko. "Tama. Isang pyesta na bibihara lamang mangyari."

"Dahil isang espesyal na araw bukas." nakangiting dagdag nito.

Itinuro niya sa akin ang langit. Sumunod ang tingin ko sa daliri niya. Naghahalo ang kulay pula, dilaw, at kahel sa kalangitan.

"Bukas mangyayari ang kaganapang nangyayari lang tuwing walong daang taon."

"Magiging asul ang buwan."


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now