Chapter 28 - All of Me

5.5K 119 22
                                    

Nakaka-miss ka pala.

Narinig nya yun halos isang lingo na ang nakakaraan, at ngayon ay narinig na naman nya ulit mula sa bibig ng iisang tao—si Vice. Kung noon ay hindi nya nakuhang sumagot dahil hindi nya alam kung ano ang dapat nyang isagot o dapat ba nyang sagutin, mas lalo naman ngayon dahil nasa entablado sila at maraming mga mata ang nakatutok sa bawat kilos nila.

Wala syang alam na ganito ang mangyayari sa Sine Mo ‘To ngayong araw kaya hindi sya naging handa. Wala sa script na nabasa nya kanina no’ng nag-briefing sila at hindi rin nakalagay sa prompter ang mga salitang binitawan ni Vice para sa kanya kaya nagpatianod nalang sya. Okay naman na sila ng binata noong isang linggo pa. Nag-usap na sila at nagkasundo na ayusin ang mga buhay-buhay nila at kung papalarin, pwede silang sumubok muli.

Sumubok muli? Asa ka, Karylle. Sabi ng isang bahagi ng utak nya at ipinilig nya ang ulo para iwaksi ang isiping iyon. Kasalukuyan silang nasa entablado at abala ang ibang mga kasama nya dahil hindi pa natatapos ang istorya. Pasimpleng tiningnan nya si Vice na nakaakbay sa kanya pero sa kanila nina Vhong at Billy naman nakatuon ang atensyon nito. Halos isang linggo kang hindi pinansin ng lalaking ito pagkatapos nyong magkaayos tapos maiisip mo pang baka pwede pa kayong sumubok muli? Kastigo muli ng bahaging iyon ng utak nya. Totoo naman kasi. Pagkatapos ng gabing iyon sa parking lot ng condo building nya, hindi na sya pinansin pa ni Vice—hanggang nitong mga oras na ‘to. Ang biglang ikot ng mga kaganapan ay sadyang gumulat sa kanya.

Pumiksi si Karylle nang maramdamang inalis ni Vice ang brasong nakaakbay sa kanya at lihim syang napasinghap nang humarap ito sa kanya. Nakangiti ito at niyakap sya. Kusa namang gumanti ng yakap ang mga braso nya. At sa muli, narinig na naman nya ang mga salitang ‘yon.

Nakakamiss ka pala…

Lubos na ipinagpasalamat ni Vice na nakasuot sya ng shades ngayon. Kahit kasi papaano ay hindi mababasa ng kahit sino ang mga emosyong ipinagsisigawan ng mga mata nya. Hindi nga lang nya napigil ang bibig na bitawan ang mga salitang nangangahulugan ng pagka-miss nya sa babaing yakap yakap nya ngayon. Gaya no’ng nakaraang linggo, sinabi rin nya rito ang mga katagang iyon pero wala naman syang nakuhang sagot mula kay Karylle. Isang blangkong tingin lang ang naging tugon nito hanggang sa magsara ang elevator na sinakyan nito kaya nagpasya syang umalis nalang. Nakapag-usap naman na sila. Nagkaayos. Gusto ni Karylle na ayusin muna nila ang mga buhay buhay nila at kung papalarin, pwede silang magsimula muli.

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now