Chapter 29 || How To Save A Life

7.2K 140 44
                                    

[A/N] --- unedited. =)

“So, ano’ng plano mo ngayon?” Vice looked up at sinalubong ang mga naghihintay na tingin ng mga kabigang Vhong, Anne, at Billy sa kanya. Kay Anne galing ang tanong nang makapasok sila ng dressing room nito matapos ang isa na namang episode ng It’s Showtime. Wala na syang sinayang na panahon dahil kagabi pa sya inis na inis kay Vice. Narinig nya rin kasi ang conversation ng tatlo sa telepono dahil bukod san aka-loudspeaker ay nasa passenger seat sa tabi ni Billy sya nakaupo. “You should’ve told us, you know?” dagdag pa ng dalaga nang hindi sumagot si Vice.

“Sobra lang akong excited.” Sabi ni Vice at naupo sa kalapit na couch. Naghanap na rin ng sariling pwesto sina Billy at Vhong habang si Anne ay nanatiling nakatayo sa harap ni Vice. “Excited akong makita si Karylle. Excited akong sabihin sa kanya ang mga natutunan ko habang magkalayo kami—na tama sya. Marami akong pagkakamali sa relasyon namin at humihingi ako ng pasensya. At kung papayag sya, babawi ako. O kung hindi man, maghihintay ako. Mahal ko sya eh? Mahal na mahal.”

“Ay leche!” di mapigilang mura ni Anne matapos marinig ang litanya ni Vice. Kinilig kasi sya sa mga binitawang salita nito. Hindi nya alam na ganito pala magmahal ang kaibigan. “Still, you should have told us. At least nagawan man lang namin ng paraan kung sakali.”

“Tama si Anne, Bestie.” Sabi ni Billy. Napabuntong-hininga naman si Vice at sumandal sa backrest ng couch.

“Brad,” sabi ni Vhong at umupo sa tabi ni Vice. “Kaibigan mo kami. Handa ka naming tulungan, kayo ni Karylle. Para saan pa’t naging pusher kami ng ViceRylle kung pababayaan namin kayo di ba?”

“Kayo lang naman ang hinihintay naming mag-give way, Bestie.” Sabat naman ni Billy at naupo na rin sa kabilang side ni Vice. “Ayaw lang naming makialam habang hindi pa kayo okay ni Karylle, I mean individually. We have high respects for your relationship.”

“Oh eff!” Di mapigilang reaksyon ulit ni Anne na dahilan para matuon sa kanya ang atensyon ng tatlo. “Kinikilig ako sa inyong tatlo. I didn’t know you, guys, have it in you. Ang sweet nyo, alam nyo ba yun?” sabi pa ni Anne at natawa naman ang tatlo. “Pero huy, Viceral.” Baling nito kay Vice. “Hindi porke’t kinilig ako eh abswelto ka na ha? Naiinis pa rin ako sa failed attempt mo kagabi.”

“Itong si Ngangabu, hindi maka-move on ‘no?” sabi ni Vice sabay turo sa dalaga.

“Oo. Kaya halika na.” sagot naman ni Anne at inabot ang mga kamay ni Vice para itayo ito. Nagtataka man ay sumunod na rin ang binata. “Treat us to lunch para mapag-usapan natin how you can get Karylle back.” Napa-yes naman sina Billy at Vhong sa sinabi ni Anne at nag-apir pa habang si Vice naman ay nailing at natawa. Para-paraan din ‘tong si Anne eh?

 

 

“Ayun lang eh?” sabi ni Vice bago tinungo ang pinto. “Bukas na lang. May jetlag pa ‘ko. Matutulog muna ako.” Napasimangot naman si Anne na tinawanan lang ni Vice habang palabas ng pinto.

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now