Another lonely week passed by. Hindi malaman ni Vice kung paano n’ya natagalan ang linggong yun. Walang pansinan, walang pag-uusap. Hanggang kailan ganito?
“Buern, gusto mong makakita ng magic?”
Kanina pa nag-iingay ang mga kaibigan n’ya habang nag-iinuman sila pero ni hindi s’ya nag-abalang makisali. Pinagkasya na lamang n’ya ang sarili sa pagtitig sa bote ng beer sa harap n’ya at mahulog sa malalim na pag-iisip.
“Sige. Anong magic ba yan?” tanong ni Buern. “Ayusin mo ha? Pepektusan kita.”
“Maganda ‘to, promise. Si Vice gagawa.” Sagot naman ni Archie. Binigyan naman s’ya ng warning look ni Buern. Sumenyas naman si Archie ng “wala yan” si Archie. “Ready?”
“Game.”
YOU ARE READING
ViceRylle || Songs of the Heart
FanfictionSometimes...merely talking doesn't really say what our hearts mean. We stutter, we forget, we fumble with words when we speak, which more often than not becomes the reason why we cannot express what we really mean --- what our hearts mean. But with...