Chapter 24 || Overprotected

5.2K 105 39
                                    

Isinara muna nya ang nakabukas na gripo at pinahid ang bibig gamit ang likod ng kanyang palad bago tiningnan ang sarili sa salamin. A mess. She thought. I look like a mess. She took a deep breath and closed her eyes as she expects another bout of nausea. Ugh! She grunted bago dumukwang sa lababo.


Ganun nalang palagi ang ginagawa nya araw-araw pagkagising. Minsan nga hindi na sya gaanong nakakapagpahinga dahil sa maya't mayang pagtakbo sa banyo pero wala naman syang nailalabas. Puro tubig at laway lang.

Inayos na nya ang sarili bago lumabas ng banyo at naupo sa gilid ng kama nya. Marami nang nagbago. Sa halos isang buwan na nakalipas mula ng ma-confirm ang pagdadalangtao nya ay napakarami ng pagbabago ang nangyari na masasabi nyang hindi lang simple.

Beep beep!

Napadako ang tingin nya sa alarm clock na nasa bedside table nya. 7am. She moved closer at kinuha ang cell-phone sa tabi nito na syang tumunog tanda ng pagdating ng isang mensahe. She didn't have to guess kung kanino galing yon dahil for the past four weeks, gaya ng morning sickness nya, ay naging routine na rin na makatanggap sya ng message sa ganoong oras.

Tsk! Naiiling na binuksan ni Karylle ang inbox nya at binasa ang mensahe.

Kurbaaaa! Good morning! Gising na, Kurba koooo!

Papunta na ‘ko d’yan.

I love you! I love you!

Mwaaaaaaaah! :3

“Oh Vice!” Impit na sabi ni Karylle habang napahiga sa kama at pinipigil ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya. Aminin man nya o hindi, kinikilig sya. “Hindi. Hormones lang ‘to.” Sabi pa nya sabay bangon at tinitigan ang mensaheng pinadala ng boyfriend sa kanya. She sighed and composed herself. It had always been like this since four weeks ago. Maliban kasi sa pregnancy nya, si Vice ang isa pang pinakamalaking pagbabagong nangyari. He had been more…gentlemanly. 

ViceRylle || Songs of the HeartOn viuen les histories. Descobreix ara