Chapter 23 || With Arms Wide Open

4.5K 138 26
                                    

“Karylle, kung may galit ka sa’kin, pwede h’wag mong idamay ang anak ko?”

Bigla namang napatayo si Karylle. Nagpanting ang tenga nya dahil sa narinig. Marami syang gustong sabihin pero parang nagkandabuhol ang mga salita sa bibig nya at ayaw lumabas.

“What?” tanging nasabi ni Karylle. There was unspoken pain in her eyes and Vice saw that pero nanatili lang itong nakatayo saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. “Tingin mo ba magagawa ko yun? Akala mo ganun akong klaseng babae, ha, Vice?” Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Karylle ngunit pilit nya iyong pinapahid. Nakatingin na sa kanya si Vice at ayaw nyang magmukhang mahina sa harap nito sa pagkakataong iyon. “Anak ko rin naman ‘to. Sa tingin mo makakaya ko syang saktan?” Saka naman natauhan si Vice sa mga nangyayari.

“I’m sorry…” tila nangangapang sabi ni Vice. Hindi nya alam kung sapat ba ang mga salitang iyon para mapawi ang sakit ng sinabi nya kay Karylle. “I’m so sorry.” He crossed the distance between them habang sinasabi iyon at ikinulong sa yakap ang dalaga.

“I would never do that.” Humihikbing sabi ng dalaga at sinalubong ang mga mata ni Vice habang nakakulong pa rin sa mga yakap nito. “Hinding hindi ko magagawang saktan ang baby. Vice, aksidente lang yun. ” Tumangu-tango naman si Vice habang sinasalo ang mga luha ni Karylle ng masusuyong halik.

“Shhhh. Alam ko.” Pag-alo ng binata kay Karylle saka hinigpitan ang yakap sa dalaga. “Alam ko. Sorry. Nabigla lang din ako. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko, K. I’m sorry.” Sabi pa ni Vice at hinalikan ito sa noo saka iginiya sa sofa. He sat and cradled Karylle on his lap. Inihilig naman ng dalaga ang ulo sa dibdib ng kasintahan as his arms encircled her. Wala munang nagsalita. Pinili nalang muna nila ang tumahimik at pakiramdaman ang isa’t isa.

“How did you know?” Karylle asked in a soft voice. Nakahilig pa rin sya sa dibdib ni Vice habang kandong sya nito. “Paano mo nalaman ang tungkol sa baby?”

“Narinig ko.” Sagot ni Vice. “Nakaawang yung pinto nang dumating ako at narinig kong may kausap ka. Hindi na muna ako pumasok dahil ayokong makaistorbo. Ayoko rin sanang makinig sa usapan nyo pero nakuha ang atensyon ko nang marinig kong sinabi ni doc na buntis ka.” Umayos sa pagkakaupo si Karylle sa kandungan ni Vice at hinarap ang binata.

ViceRylle || Songs of the HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant