Chapter 9 || Take A Chance on Me

6.9K 91 9
                                    

Vice...

He just stood there without saying anything. S'ya mismo hindi alam kung ano ang sasabihin. Apparently hindi umayon ang ibang part ng plano n'ya. Hindi dapat ganito ang magiging reaction ni Karylle kapag nakilala s'ya. S'ya na secret admirer n'ya. Matagal ang ginawa n'yang pag-iisip sa tagpong ito. At strikto ang instructions n'ya sa mga taong involved sa pasabog n'ya na manahimik. Gusto n'ya maging perfect ang lahat. 

"Karylle..." he said when he finally found his voice. Unti-unti s'yang lumapit dito pero ganun na lang ang pag-atras nito. Nag-uunahan na ang mga luha sa mata nito. Alam na alam n'yang nasaktan n'ya ito.

Napahinto si Karylle ng tumama ang likod n'ya sa pillar ng make-shift balcony dahilan para maabutan s'ya ni Vice. Gulung-gulo ngayon ang isip n'ya. Hindi n'ya alam ang samu't-saring nararamdaman n'ya. Pero isa lang ang damdaming naghuhumiyaw. Nasaktan s'ya.

"Karylle, please." 

Narinig n'yang sabi ni Vice while he reached out for her hand. Nagpipigil s'ya ng emisyon. Pero nang magdaiti ang kanilang mga balat, hindi na napigilan ni Karylle ang sarili.

Slap!

Napapikit at napaatras si Vice ng tumama ang isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi n'ya. Nagpupumiglas si Karylle mula sa hawak n'ya pero hindi s'ya bumitaw. Hindi na rin n'ya napigil ang mga luha na tumulo mula sa mga mata n'ya. 

"Vice please. Let me go." pagmamakaawa ni Karylle. 

"No!" sabi ni Vice. "Not until we fix this."

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now