Chapter 25 || Broken

3.2K 103 24
                                    

"No, Vice. I can't let this continue. Siguro nga nagmadali talaga tayo."

"Karylle, hindi. Wag."

"I'm sorry, Vice."
 

"Karylle..."

“It’s over.”

 Memories of last night keeps coming back.

I called the shots. I called it quits. Pero bakit ang hirap? Karylle thought as she walked along the corridors towards her dressing room. At saka sya naman ang may kasalanan kung bakit ako nakipagbreak ah? He made me believe something that he shouldn’t have. Naglihim sya. Niloko nya ‘ko. Bakit ako ngayon ang nagmumukhang may kasalanan? Bakit parang ako pa ang mali ngayon? Ikinurapkurap nya ang mga mata dahil lumalabo na iyon dahil sa namumuong mga luha saka binuksan ang pinto ng dressing room nya. She sat on the couch and looked around. Tahimik. Parang kahapon lang napakaingay ng kwarto’ng yun dahil nakitambay ang mga kaibigan nya. Ngayon, ni isa walang gustong lumapit sa kanya. Lahat sila hindi ako kinikibo. Kung daan-daanan nila akong lahat parang wala ako ro’n ah? Nagtatampo sila kasi hindi ako sumipot sa party kagabi. Kung sana alam lang nila ang dahilan di ba? Karylle closed her eyes and let her tears fall.

Kakatapos lang ng isa na namang episode ng It’s Showtime and everyone left. Yes, left. Pero Karylle doesn’t seem to bother anymore. Mula kaninang umaga kasi hindi na sya pinapansin ng mga kasama nya. Walang gustong kumausap ni tapunan man lang sya ng tingin. Kahit mga writers at mga staff ay parang pinagkaisahan din sya sa konti at ikli ng mga spiels nya. She’s hurt. Sino ba naman ang may gustong deadmahin ka ng lahat? Pero nanatili syang composed at kalmado kahit na gustung-gusto na nyang umiyak. She has to. Mag-isa na lang sya.  Hindi nya inakala na ganito ang kalalabasan ng lahat.

~~~

“Desidido ka na ba talagang wag pansinin si Karylle?” Saglit na nilingon nya ang nagsalita saka ibinalik ang atensyon sa cell-phone. Ni hindi man lang sya nag-abalang sumagot. “Hindi lang dumating kagabi, ginaganito mo na. Kahit na on air tayo kanina di ka man lang tumingin sa direksyon nya. Hanggang kai—”

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now