Chapter 27 || Jar Of Hearts

4.1K 124 14
                                    

[A/N] --- bahala na. 

LOL! (=^_^=)

“Huy, tulala ka na naman.” Yun ang mga salitang nakapagpabalik ng ulirat ni Vice na kasalukuyang nakaupo sa couch sa loob ng dressing room ng boys. Inangat nya ang mukha para mapagsino ang nagsalita at nakita si Billy na nakatayo sa tabi ng mesang puno ng pagkain na libre ni Direk Bobet. May hawak itong paper plate at aktong sasandok ng ulam. “Nagiging habit mo na yan ah?” sabi pa nitong hindi man lang tumitingin sa kanya.

“Wala ‘to.” Tipid na sagot ni Vice at tumayo para itapon ang pinagkainan sa garbage bag sa gilid saka bumalik muli sa couch.

“Nagiging habit mo na rin ang ganyang sagot.” Sabi muli ni Billy. Vice looked at him at nakitang nakatingin na ito sa kanya at nakatukod ang dalawang kamay sa mesa. “Si Kar—”

“Alam nyo wala na kayong nakita kundi ako.” Sabi ni Vice para hindi na maituloy ni Billy ang sasabihin. “Si Vhong at Anne kanina ganun din. Asar.” It’s pretty obvious kung ano rather sino ang dahilan ng pagkakatulala nya. Ayaw lang nyang idiin pa kung ano ang obvious. The mere name drop is like a slice through his heart. “Kumain ka nalang d’yan. Huli ka na. Kanina pa yung iba.”

“Well, sorry naman.” Sarcastic na sabi ni Billy. “Pasensya ka na kung concerned kami sa’yo ha?” Napabuntong-hininga naman si Vice at naihilamos ang mga palad sa mukha. “Pasensya na kung gusto namin kayong tulungan ni Karylle.” There’s that name. Billy had said it. At para namang tsunami ang pagdating ng sakit sa puso nya. Halos dalawang lingo na rin mula nung makausap nya ang dalaga. Kung pag-uusap bang matatawag ang ginawa nyang pagtatanong at walang sagot syang nakuha. He had asked Karylle kung may plano ba itong sabihan sya ng pag-alis nito dahil sa Ms. Saigon pero hindi sya nito sinagot. Tumingin lang ito sa kanya saglit saka yumuko.

Kung tutuusin, he got his answer. Pero sadyang nagpakatanga lang sya at nagmatigas na tanggapin ang katotohanang walang plano si Karylle na sabihin sa kanya na aalis ito. Ni hindi man lang ito nagbigay ng hint noon. Wala rin itong sinabing nakatanggap ito ng tawag mula sa kung kaninong tao at sinabihan na mangibang bansa. Kahit noong kinompronta na nya ito, sinabi lang nitong it’s for the better for the both of them.

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now