Chapter 22 || 100 Years

4.7K 130 23
                                    

Tumungo lang si Karylle nang kumalas sya sa pagkakayakap kay Anne. She held her hands together and fidgeted with her fingers. Wala rin syang nasabi rito pagkalabas nya ng ladies’ room.

“Karylle?” untag ni Anne sa naglalakbay nyang diwa. She looked up and met her concerned eyes. “Is everything alright?” Karylle sighed and nodded slowly. Isang masuyong haplos sa braso naman ang ibinigay ni Anne sa kanya.

“So… how did it go?” tanong uli ni Anne. Karylle just shook her head and sat on the bench vacated by Anne. “What’s that? Bakit ka umiling? Is it negative? Positive? Karylle?”

“It’s neither.” Sagot ni Karylle at naihilamos ang mga palad sa mukha. “I didn’t do it.”

“What? Bakit?” tanong ni Anne at tumabi rito sa bench. “K, all you have to do is pee on the stick. Then, we’ll wait for a few minutes for the lines to appear. Two lines says pos---”

“How do you know all these?!” takang tanong ni Karylle at tumingin ng derecho sa kaibigan. “Bakit ka ba eager na malaman kung buntis nga ako o hindi? Why not take the damned test nalang kaya?” sabi pa ni Karylle. Maang namang nakatingin lang si Anne dahil sa sudden outburst ng kaibigan.

Natauhan naman si Karylle sa ginawa nya. “I’m so sorry, Anne.” Hinging paumanhin nito nang ma-realize ang mga nabitawang salita. “It’s just that…” Her lips started to tremble. Naiiyak na sya. “I’m scared.”

“If ever, it’s just a baby, K.” sabi naman ni Anne habang hinahagod ang likod ng kaibigan para pakalmahin ito. “It’s a blessing. What harm can it do? Di ba mahilig ka naman sa mga bata?”

“Ako, oo.” Sagot ni Karylle at tumingin muli kay Anne. “Eh si Vice?” Again natahimik muli si Anne sa kawalan ng masabi. “Nagsisimula pa lang kami, Anne. Ni hindi pa nga namin naaamin sa public ang relasyon namin, tapos ito pa. Ayoko lang madamay yung bata kung sakali.”

“Well, all the more na kailangan mong gawin yung test.” Sabi ni Anne. “The sooner you pee on the stick, the sooner we’ll know the truth. Then we’ll start from there kung paano ang gagawin mong pagkausap kay Vice. He’ll understand, K. If ever, anak nya rin yan.”

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now