Chapter 7 || Out of My League

8K 82 0
                                    

Day 11

 

                Beep! Beep!

 

                She tossed and turned at the sound of her alarm. A smile lined her lips before opening her eyes. Ang sarap ng tulog n’ya. What happened last night was another perfect moment. Talagang maraming pasabog na alam si Vice. Kaya nga unkabogable eh? Kinapa n’ya ang cell-phone para itext ito ng biglang may maalala. Nasa living room lang s’ya Karylle tapos itetext mo pa? Healthy pa ba ‘yan? She chuckled. Kahit ano’ng pilit n’ya kay Vice na sa kwarto n’ya matulog kagabi ay tumanggi ito. Hindi na n’ya kasi ito pinauwi dahil umulan ng malakas ng ihatid s’ya nito. Hay Vice! Kinikilig na niyakap n’ya ang unan at binuksan ang phone n’ya.

Tumingin si Vice sa kaliwa. Tumingin din s’ya sa kanan. Tumingin pataas. Tumingin pababa. Hesusmaryosep! Madapa ba Karylle? Ipikit n’ya ang mga mata at ipinilig ang ulo. He sighed. Mukhang magkaka-migraine yata s’ya. Tumayo s’ya mula sa pagkakahiga sa sofa.

“Karylle.”

Napatayo si Karylle sa gitna ng living room ng biglang pumagitna si Vice at hinawakan s’ya sa magkabilang balikat.

“Vice, pwede ba?” sabi n’ya. “Nagmamadali ako. It’s almost 12 noon. Male-late na ‘ko sa Showtime.” Kumawala s’ya sa hawak ni Vice at napahinto uli. “Teka, papaanong…? Never mind.” Nagpatuloy sa paroo’t parito si Karylle.

Vice rolled his eyes. Once again, heto na naman si Karylle sa pagkaaligaga n’ya. Napahawak s’ya sa batok. Nakagawian na n’ya ‘yon kapag stressed s’ya.

“Love, will you please stop for one second and listen to me?”

Karylle stomped her foot, and placed her hands on her waist.

Why do you have to be so cute? He shook his head. Nilapitan n’ya ito at hinawakan sa mga balikat. “Walang… Showtime… today.” Lalo s’yang naaliw sa expression ng mukha ito.

“Ha?” Nanlalaking mga matang sabi ni Karylle. “Vice naman eeeeeeh? Ba’t di mo sinabi agad? Kanda-dapa na ‘ko o.” She pouted.

“Hala!” he said and hugged her. “Hahaha! Pero may meeting tayo with Direk Bobet later. Something about a pre-holiday trip ng Showtime. Kung saan, we’ll find out later.”

“Pre-Holiday trip?” tanong ni Karylle at kumalas sa yakap ni Vice. “Paano yan kapag tumapat sa Cinderella? Di hindi ako kasama?”

“Walang problema. Di hindi rin ako sasama.” Nakangiti itong lumapit sa kanya sabay back-hug. “I’ll stay here with you.” Napangiti si Karylle sa sinabi ni Vice. “C’mon, brunch ka na. ako pa naman nagluto n’yan.” Iginiya n’ya ito sa dining room.

Pilit pinipigilan ni Karylle ang matawa ng madatnan ang nakahain sa mesa. Nilingon n’ya si Vice at humalukipkip habang nakangiti.

ViceRylle || Songs of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon