Autograph

19.6K 117 4
                                    

Nagising ako sa araw na tumatama sa aking mukha mula sa higaan. Tinignan ng naniningkit kong mata ang orasan sa side table. It's seven o'clock in the morning.

Katabi ng orasan ay ang dalawa kong cellphone, ang maliit na bago at ang iPhone ko na isinoli ni Jacob kahapon.

Bumangon ako sa kama at na-upo sa gilid. Dahil nasa bagong cellphone ang ipinakalat kong bagong number ay iyon ang tinignan ko. Alam kong wala ng magtetext sa dati kong number.

Una mong nakita ang text ni Auntie,

Auntie Noemi:

Hindi ako makakapunta ngayon Tasha, may mga kailangan lang akong tapusin, nextweek ay tuloy ako diyan.

Agad akong nagreply.

Ako:

Okay po Auntie. Mag-ingat po kayo diyan ni Uncle.

Ang sumunod kong binuksang mensahe ay kay Jane.

Jane:

Next week na ang party ha. Don't forget! Do you need a dress?

Magta-type palang akong ng reply ng tumawag siya, alam na alam niya oras ng gising ko.

"Hello?"

"Good morning! Ano? Nabasa mo ang message ko?" Hingal niyang tanong, alam kong sa ganitong oras ay tapos na siyang mag jogging.

"Oo nabasa ko, wala akong dress e." Sagot ko

Hindi ako mahilig sa dress puro plain shirts at denim pants lang ang meron ako.

"I know right!" Natatawa niyang sabi "Marami ako sa bahay, are you free today? dadalhin ko diyan sa condo mo para masukat at makapili ka." Aniya

Exclusive party daw iyon, mayaman si Jane at madalas high end na bar o restaurant ang kanyang pinupuntahan. Kaya kilangan naka-dress talaga.

Ayokong ma-out of place ulit dahil sa suot ko. Ayoko ring bumili para sa isang gabi lang na suotan. Kaya tamang pahiramin nalang niya ako.

"Pwede naman ako mamayang gabi. Pagkatapos ng mga gagawin." Sagot ko

"Okay, I'll message you kapag papunta na ako."

Iyon lang at binaba na niya ang linya.

It's sunday morning at off ko. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla na ng kape, nag-toast ako ng bread at nag fried ng egg. Matiwasay akong kumain at tumulala sandali pagkatapos kong kumain.

I did my routine. Naglinis ako ng buong condo. Bawat sulok ay siniguradong kong malinis. Ganoon din ang cr, bawat gilid ay kinuskos ko ng brush habang may gloves sa kamay. Sobra ang pawis ko ng matapos doon.

Pagdating naman sa aking kwarto ay tinitigan ko ang mga medicine books ko na hindi na nagkasya sa aking study table. I need book shelf here. Yung naka-hang sa wall sa ibabaw nito.

Kumuha ako ng tape measure at sinukat kung gaano kahaba at kalaki ang dapat kong bilhin na slab wood. Balak kong gumawa ng hanging book shelves sa susunod na sunday para lumuwag ang lamesa ko sa mga libro.

Nanood ako sa iPhone ng youtube kung paano gagawin yun. Mukhang madali lang naman pero kailangan ko ng electric drill.

Hook ako sa tutorial na pinapanood ng mag text si Tam sa maliit na phone.

Tam:

Good morning. Ingat ka today, papunta na ako ng Chapters.

Nagreply ako sandali bago ituloy ang video na pinapanood.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon