"Bibili sana ako ng coffee, pero iba ang naabutan ko." Kibit balikat niyang sagot tapos ay uminom ng mainit na kape.
Nag letter 'o' ang bibig ko sa kanyang sinabi, nakita at narinig niya lahat iyon?!
Umiling ako sa dissapointment at tinignan ang hawak niyang kape. "Enjoy your coffee then, sana ay na enjoy mo ang palabas." Sarcastic kong sabi at naglakad na palayo.
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya akong nakikita sa alanganing sitwasyon. Para niya akong pinaglalaruan.
"Wait up!" Hinabol niya ako at hinawakan ang aking braso para pigilan.
Matalim kong tinignan ang kamay niya sa braso ko, nag-angat ako ng tingin sa kanya at agad naman niyang binitawan iyon at nag kamot ng batok.
"I'm sorry, I didn't mean to eavesdrop, I should have leave earlier, but.. I was stunned so.." he said sincerely.
Huminga ako ng malalim at tuluyang bumaling sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito Nate?" Tanong ko.
"Like I said, I was craving for coffee then-"
"No.." putol ko sa kanya habang umiiling "Bakit ka nandito at naglalakad kasama ako? Wala ka bang gagawin na mas importante pa dito?"
Tumaas ang kanyang dalawang kilay at ngumuso, tinignan ang coffee na hawak niya.
"Well.. mas masarap pa lang magkape ng may kasabay? Habang.. naglalakad at may kausap?" Lito niyang sagot.
Hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot. Pumikit ako ng mariin at ng buksan ko iyon ay pagod ko siyang tinignan.
"Look Nate, I just turned someone down, someone important to me, at hindi ako nandito para i-entertain ka at ma-enjoy ang coffee mo." Mariin kong sabi.
Natigil siya sa aking sinabi at naging seryoso. Magsasalita na sana siya pero hindi pa ako tapos sa mga sasabihin ko.
"Alam kong sikat ka at normal lang sa katulad mo ang mag turn down ng tao araw-araw, pero sa simpleng tao na katulad ko. Mahirap iyon."
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Whoah! wait there, people like me?"
"Oo, katulad mong importanteng tao." Agad kong sagot.
"Well I guess that's the price I have to pay for being famous huh?" Tango niya at inilagay ang dila sa gilid ng kanyang labi.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan iyon.
Matagal ang katahimikan sa gitna naming dalawa, at sa parang may narinig pa akong kuliglig sa paligid ng magsalita siya ulit
"Being judged unfairly everyday is hard too Tasha. We're also human, our hearts are not made out of stone." Paliwanag niya ng natatawa.
Wala akong maisagot doon, hindi ko maikakailang tama siya. Masyado ko ata siyang nahusgahan. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.
"Sana ito na ang huli na pagkaka-aliwan mo ako." Sabi ko.
"Hey, I'm sorry alright.. About the concert, and now. I am not making fun of you okay?" Malambing niyang sabi. Napapikit siya at nagmura ng mahina.
Atleast alam niya kung saan ang mga mali niya sa akin hindi ba? Huminga ako ng malalim para kumalma, tumango ako ng mahimasmasan. Mukha rin namang totoo siya sa mga binitawan niyang salita.
"Pasensya rin, nadala lang ako ng emosyon ko." Nahihiya kong sabi habang nakatingin sa baba.
Dinig ko ang buntong hininga niya. Inangat ko ang tingin ko at naabutan ko ang kanyang titig. Ngumiti siya sa akin, tipid naman akong ngumiti at naglakad na, sumunod din siya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster
RomanceHe is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his music seems like completing every pieces of my heart that has been missing long time ago. Only to find out that He came as a disaster that wi...