My Strength

29.8K 192 11
                                    

Tasha Elizabeth Ricio.

May 16, 2013

I will never forget how painful this day was.

'Dead on arrival' yan ang hatol ng doktor.

"Hindi, hindi totoo!."

Walang tigil ako ng umiiling in denial. Then my hands felt numb. Ni hindi ko maramdaman ang mga sarili kong paa, naninikip ang aking dibdib, the feeling of having an heart attack is the only reason I am sure that I am awake at hindi pa nawawalan ng malay.

Sa tabi ko ay si Auntie Noemi, niyakap niya ako sa gitna ng pag-iyak habang siya ay nanatiling matatag sa aking harapan.

Pero alam kong pinipigilan niya ang mag breakdown, ayaw ipakitang bumibigay na siya, dahil siya lang ang tangi kong sandalan ngayon.

Siya ang nagiisang kapatid ni Mama. My dad was the only child. My grand parents on both sides are already dead too. Siya nalang ang natitira kong pamilya. Both of my parents are dead. I'm only 17 years old.

"Shh.. Nandito ako sa tabi mo, hindi kita pababayaan." 

Auntie Noemi assure me with her words habang hinihimas ang likuran ko. Halos hindi mag sink in sa akin ang mga nangyayari, at niloloko ko ang sarili ko na paguwi ko sa bahay ay naroroon sila at sasalubungin ako ng mga tanong ni Mama ng 'kamusta ang school?' 'Kumain ka na?' At aasarin ako ni Papa ng 'bakit medyo late ka? May nobyo ka na ba?'

Nanghihina akong tumalikod kasabay nito ay ang paghikbi na hindi ko na mapipigilan pa. Tinakpan ng dalawang palad ang aking bibig, para hindi lumabas ang nagbabadyang malakas na iyak. I need to get out of here! Hindi ko matanggap. Bakit kailangang mangyari sa kanila ito?!

Magulo ang utak ko, parang kahapon lang ay masaya kaming kumain ng breakfast, nagtatawanan sa hapag kainan. Hindi ko alam yun na pala ang huling agahan namin.

Kung alam ko lang sana ay mas pinatawa ko pa sila, kung alam ko lang, sana ay ako ang nag asikaso sa kanilang pagkain, kung alam ko lang niyakap ko sila ng mahigpit at sinabing mahal na mahal ko sila.

Sana. Sana. Sana! Marami akong pagsisisi. At ngayon ay hindi na maibabalik ng pagsisising iyon ang buhay nila!

Papunta sila sa ng tagaytay ng umaga ng mangyari ang aksindente, ang sabi ay nawalan ng preno ang ang kanilang kotse, tumama sa barrier, malakas ang impact kaya total wreck ang aming sasakyan. Ngayon ko nararamdaman ang mga salitang 'love your parents while they are still alive' though alam kong hindi ako nag kulang na ipakita sa kanila ang love and respect that they deserve, sa tingin ko ay kulang padin ngayong wala na sila.

Sa tingin ko ay dapat ganun. You have to make them feel everyday that you love them. Never argue with them. And don't make them angry or cry. Dahil ako nga na naging mabuting anak ay may pagsisisi pa.

Tumakbo ako palayo

" Tasha!"

Pigil ni Auntie Noemi na hindi ko pinansin, Hinanap ko ang fire exit. Hindi ko ginamit ang elevator dahil sa tingin ko ay lalo akong mauubusan ng hangin sa katawan.

Halos hindi na ako makahinga sa pagpipigil ng hikbi sa aking pag iyak.Habang bumababa ng hagdan ay kinuha ko sa bulsa ng aking jacket ang ibinigay sa akin ng nurse kanina.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon