Always

18.8K 124 5
                                    

Kinuwento ko kay Jane ang nangyaring tagpo namin ni Nate sa mall pagdating niya sa condo ay deretcho siya sa sofa dala ang mga dress niyang ipapahiram sa akin.

"What?!" Gulantang niyang tanong sabay tumawa na parang wala ng bukas. Nakahawak pa siya sa kanyang tiyan.

"Anong  reaction niya ng sinabi mong hindi siya ang gusto mo sa The Chase?" Muli ay tanong niya habang naluluha ang mata sa kakatawa.

"Nagulat siya nung una, pero sa huli ay natawa na lang.

"He must be pissed off and embarassed at the same time!" Muli ay hagalpak siyang tumawa.

"That makes the two of us!" Sabi ko.

"I wish I was there too! He must be look constipated!"

"Hindi mo hihilingin na kasama kita, ikakahiya mo ako!"

"I don't think so! His reaction must be epic, at kung naroon ako, mamatay ako kakatawa!"

Nasasabi lang niya iyon kasi wala naman siya sa posisyon ko. Naalala kong muli ang galit na mukha ni Nate.

"And also.. Wala naman ata ipapangit si Nate." I said matter of factly

Ang tawa niya ay unti-unting tumigil hangang sa maging ngiti nalang iyon. She look at me suspicously

"Ooh.. you like him now than Jacob?" Pabitag niyang tanong.

"Sinasabi ko lang ang nakita kong reaction niya kanina, mabait pa rin siyang tignan kahit galit, siguro ay dahil natural na maamo ang mukha niya kaya ganoon, atsaka bakit nasama si Jacob dito?"

"Wala lang! Ang protective mo naman masyado kay Jacoooobb..." Nang-aasar niyang hinabaan ang pangalang iyon.

"Nababaliw ka na Jane." Umiiling akong sinipat nalang ang mga dala niyang dress. Humalakhak ng isa pa si Jane bago muling nagsalita.

"I mean.. Jacob is so famous! Maraming babae ang hinilingin na nasa posisyon mo ngayon. He's wearing this controversial ring, that until now no one knows kung kanino galing. He took care of it! That's why the media and fans were so intrigued!"

"Ibinigay ko iyon sa pinakamadilim na panahon ng buhay niya. Anong dapat ika-inggit doon? I'm sure  walang fans ang  gusto makita sa ganoong kalagayan si Jacob."

"You still don't get it! Don't you?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Ang alin?"

"He said in one of his interviews na.. ang nagbigay sa kanya ng sing- sing na iyon ay ideal girl niya."

Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumango tango siya na para bang nababasa niya ang iniisip ko

"Opo hija.. sinabi niya iyon. God! You really don't have any clue! Did you even research about him.?"

Biglang walang tigil na tumibok ang puso ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, parang sasabog ito ng ano mang oras.

Ayokong umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Ayokong maniwala sa mga salitang walang laman. Pero hindi ko maiwasang..

"Bakit niya sasabihin iyon? Ni hindi niya nga ako kilala." Sabi ko sa mahinang boses.

"Ang sabi niya, you are his ideal girl, you make him feel not alone, even if you are not around. What more kung nasa tabi ka pa niya."

Nanikip ang aking dibdib matapos niyang sabihin iyon. Muling bumalik sa akin ang alala three years ago. I really did make him feel not alone. 

He really did.. lean on me. Masaya ako na nasasaktan ng sabay.I am his ideal girl? Really? Hindi ko maiwasang mangiti. Mas baliw na nga yata ako sa kaibigan ko.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon