Wound

21.1K 136 3
                                    

"Get in." Malamig niyang utos.

Hingal na hingal ako galing sa pag takbo, habang puno ng luha ang mata ko. Tuliro akong umiling at tumanggi, gulat man sa bigla niyang pag-sulpot ay tumakbo ulit ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi.

Ang tangi ko lang iniisip ngayon ay makalayo. I need to get out of here! Hindi ako pwedeng makita ni Auntie dito!

Tumakbo ako ng mabilis palayo tumakbo ako hanggat sa makakaya ko, pero ilang sandali lang ay dinig ko ang malakas na pag- preno ng sasakyan.

Bago pa ako makalingon ay biglang may humablot sa aking braso, at idiniin ako sa isang pader, sa isang madilim na bahagi ng daan na wala halos dumaraan na tao o sasakyan

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa lakas noon, basa padin ang pisngi dahil sa luha.

Mula sa malayong lamp post ay kita ko ang matatalim niyang matang nakatingin sa akin. Nakakulong ako sa dalawang braso niyang nakalapat sa pader. Parehas ang marahas naming paghinga.

Ilang sandali na ganoon ang posisyon namin ng mag vibrate ang aking cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko sa likod

Naglakabay pababa ang kanyang mata at tumigil ito sa aking dibdib, nakita ko kung paano nagbago ang kanyang ekspresyon. Nanlaki ang kanyang mga mata, his jaw dropped. Tumingin siya pabalik sa akin.

"Fuck.." Halos hangin niyang sambit.

Unti unti niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa pader at tumalikod habang inihihilamos ang dalawang palad sa gwapo niyang mukha. Ilang hakbang ang kanyang ginawa palayo ang akala ko ay aalis na siya.

Inayos ko ang iilang hibla ng buhok ko na dumikit sa aking pisngi dahil sa luha. Inayos ang damit na nagulo at aalis na sana.

Pero muli siyang bumaling sa akin, mula sa aking mga mata ay ibinaba niya ang tingin sa aking mga paa bago ko pa masundan ang kanyang tinitignan ay binuhat niya ako!

Napatili ako sa gulat at bago pa ako maka protesta ay isinandal niya ako sa hood ng sasakyan pumunit siya ng kapirasong tela sa puti niyang damit lumuhod siya at ipinulupot ito sa aking paa

His face illuminated by the car's head light. Unti unting bumagal ang mundo at huminto..

I am stunned. Seeing him wrapping that piece of his cloth around my feet, He is so beautiful.

Saka ko lamang napansin na nagdurugo pala ito. May sugat ako!

And I am nothing but a disaster.

Laglag ang aking panga sa kanyang ginawa, Tumayo siya at nag lebel ang aming mga mata. Pakurap-kurap kong itinikom ang aking bibig at napalunok.

Umiwas ako sa kanyang mata na hindi ko matagalan. Bakit nga ba siya ulit nandirito?Bakit palagi siyang nariyan sa di inaasahang pagkakataon?

Gulat kong sinundan ang kamay niyang pumunta sa aking dibdib. Nanlaki ang aking mata ng mapagtantong nakalabas ang singsing sa aking damit.

His hazel brown eyes now looking at mine, and I think it sparks, or just my imagination? don't know.. Maybe I'm just dreaming.

"It's.. you" Bulong niya na halos hindi ko na marinig, para akong hinehele, para akong muling ibinabalik sa mga panahong buo pa ako.

Ngayon ay malinaw na sa akin ito kung bakit siya naririto. He's looking for that girl 3 years ago and found me.

"Yeah it was me." Then I licked my lips. I don't know what will happen next after this. Ang makita siya at marinig na kumakanta ay sapat na noon. Na para bang bawat linya doon ay para sa akin.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon