Like

20.1K 141 10
                                    

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. A manly scent welcomed me. Napalunok ako, ang bango niya.

Hindi niya agad sinarado ang pintuan, tinapunan ko siya ng tingin, he smoothly avoided my stare

"Seatbelt." Malamig niyang sabi.

Agad kong kinuha yun sa gilid ko pero nauna na siya at ng lingunin ko ay halos kaunti nalang ang distansya naming dalawa.

Parang tambol ang aking dibdib sa bilis ng tibok ng mapagtanto kung gaano siya kalapit sa akin ngayon. Dinig ko ang paghinga niya. Never in my life, I imagine we can be this close.

Kinagat ko ang aking labi, Bumaba ang mata niya roon. Agad akong umiwas bago ko pa tignan din ang sa kanya.

Tinapunan niya ako ng tingin bago isarado ang pintuan. Bumuga ako ng hangin habang sinusundan siya pa-ikot ng sasakyan para sumakay.

Is this okay? Kakalamig lang ng issue sa Punta Fuego. Tapos ito ulit? Tumingin ako sa paligid bago kami umandar, baka may nakakita o nakasunod sa amin?

Nilingon niya ako habang iniikot ang manibela.

"I am sorry about the issue in Punta Fuego." Panimula niya. Bago tuluyang paandarin ng mabilis ang kanyang sasakyan.

"Did someone bother you since the news came out?" Tanong niya habang nakatingin sa daan.

Nilingon ko siya at umiling "Wala naman, maayos mong natakpan ang mukha ko doon, kaya walang nakakilala."

Ipinunas ko ang dalawang palad sa aking hita, at naalala ang gabing iyon ng niyakap niya ako. Uminit ang aking mukha at ramdam kong namumula ako.

Hindi ko makalimutan ang gabi na iyon, na kahit sa pangarap ay hindi ko akalain na mangyayari.

"I made sure of that."

Basag niya sa binubuo ko pa lang na pangarap. Nawala ang nag-babadyang ngiti sa akin at yumuko. Oo nga naman. Hindi siya pwedeng makita basta basta, lalo na kung may kasamang kung sino-sino lang. I mean, sino ba ako? I am nobody, masakit sa mata para sa iba na makita siyang may kasama. Lalo na at hindi naman kilala.

Tumigil kami ng magpula ang ilaw ng traffic light. Tahimik lamang siyang nakatingin sa daan, tanging makina lamang ang maingay sa gitna naming dalawa, nararamdaman ko ang bigla pag vibrate ng maliit kong cellphone na nakatago sa bulsa ng pants ko.

Naagaw nito ang atensyon niya at mula sa aking telepono ay lumipat ang mga mata niya sa akin. Natataranta ko itong tinignan at nakitang may mensahe ako mula kay Tam.

Tam:
Tasha? Where are you? andito na ako sa Cafe.

Nalaglag ang aking panga ng maalalang ang aming labas ngayon! Bakit ko ba iyon nakalimutan? minutes before our plan Jacob showed up at nakalimutan ko ang lahat! Ngayon ay malayo na kami sa Chapters. Agad akong nagreply.

Ako:
Tam, Im so sorry.. may nangyari lang, pwede bang ituloy natin ito ulit nextweek? pasensya na talaga..

Umandar ang sasakyan hudyat na nagbago na ang kulay ng traffic light. Automatic na ni lock ko ang aking telepono at tumingin sa daan na para bang ako ang nagda-drive. Pero hindi pa nagtatagal ay muling nag vibrate ito.

Tam:
Is everything okay? Emergency?

Magtitipa na sana ako ng reply pero hindi ko na natuloy ng isang buntong hininga ang pakawalan niya. Nilingon ko siya at agad nilagay sa bulsa ng itim kong back pack ang cellphone.

I am being rude, kasama ko siya tapos ay busy ako sa pag text. Pero mahalagang na replyan ko na si Tam. Dahil gumawa siya ng oras para sa araw na ito pero sa huli ay nakaligtaan ko lang. kinagat ko ang aking labi, kailangan ko ring galangin ang presensya niya.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon